GMA-7 Artist Center talents featured in photo exhibit



Dumagsa ang mga pangunahing bituin ng GMA-7 Artist Center sa gala opening ng photo exhibit ng mga Kapuso stars kahapon, February 1, sa 3rd floor ng Digital Exchange Activity Area ng Glorietta, Makati.

Kabilang sa Kapuso young stars na dumalo sa naturang event ay sina Mark Herras, Rainier Castillo, Yasmien Kurdi, Cristine Reyes, Dion Ignacio, Ryza Cenon, Marky Cielo, Gian Carlos, Vaness del Moral, Vivo Ouano, Mike Tan, at marami pang iba.

"We want to showcase talents of GMA Artist Center thru photo exhibit," pahayag ni Ms. Ida Henares, AVP & Head ng GMA Artist Center. (GMAAC)

Ayon kay Ms. Ida, naisakatuparan ang naturang photo exhibit sa tulong ng Fuji Films at ng apat na photographers na sina Rene Mejia, Jay Tablante, Jay Javier, at Edward dela Cuesta. Tampok sa photo exhibit ang iba't ibang konsepto ng apat na professional photographers.

Bukod kay Ms. Ida, nakipag-participate din sa ribbon cutting ceremony sina Vincent Morales ng Fuji, Gary Ramirez ng Digital Exchange, at Makati Councilor King Yabut.

Posibleng hindi ito ang una at huling pagkakaroon nila ng photo exhibit, sabi ni Jenny Donato ng GMAAC Events and Publicity. Marami raw kasi ang nagpahayag ng interes at nais makipag-tie-up sa kanila para maulit ang ganitong project.



Maaaring makita ang photo exhibit hanggang February 6 sa Digital Exchange Activity Area ng Glorietta, Makati. Kabilang sa mga artistang tampok dito, bukod sa mga young stars na dumalo, ay sina Angel Locsin, Katrina Halili, Jennylyn Mercado, Iza Calzado, Nadine Samonte, Jackie Rice, Iwa Moto, Isabel Oli, Brad Turvey, Rhian Ramos, LJ Reyes, at CJ Muere.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN