Lovi Poe denies Cogie Domingo is already her boyfriend


"I'm not closing my door to Cogie... It could happen, although I have my priorities," says Lovi Poe about the possibility of saying "yes" to suitor Cogie Domingo.



Itinanggi ng young actress-singer na si Lovi Poe na boyfriend na niya si Cogie Domingo. Nilinaw ng dalaga ang mga balitang lumabas na sinagot na raw niya si Cogie. Ayon kay Lovi, hanggang friendship pa lang daw ang puwede niyang i-offer sa young actor ngayon.

Ito ang pahayag ni Lovi sa press conference ng kanyang birthday concert na It's Gotta Be Love noong January 27.



"To set the record straight, Cogie is not my boyfriend," diin ni Lovi. "Yes, we do go out on dates at nakikita nila akong kasama ko siya. But that doesn't mean na kami na. Good friends lang talaga kami."



Inamin ni Lovi na hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin sa kanya si Cogie. Makulit daw na manliligaw ang binata, pero hindi raw priority ni Lovi ang magkaroon ng boyfriend ngayon.



"I would rather make friends muna kesa magkaroon ng relasyon," sabi ni Lovi. "I'm still young and I have plenty of time to get into a relationship. Right now, I'm concentrated on my TV career and my recording. I'm coming out with my second album soon."



Nabanggit din ni Lovi na hindi lang si Cogie ang suitor niya ngayon. May ilan daw na non-showbiz, pero hanggang friendship lang daw talaga muna ang kaya niyang i-offer sa mga ito.

Mariin din niyang itinanggi na nanliligaw sa kanya ang dati niyang co-star sa Bakekang na si Marky Cielo. Sa nasabing GMA-7 primetime drama series ay ginampanan ni Marky ang papel ni Michael, ang kababata ni Kristal (Lovi), na na-in love sa kanya.



"Hindi nanliligaw si Marky sa akin," paglilinaw ni Lovi. "But we became very close noong gawin namin yung mga eksena namin sa Bakekang. Lahat naman kami sa show ay very close. With Marky, may communication pa rin kami kahit wala na siya sa show. We text each other na lang. Kumustahan lang naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa February 11 ay magse-celebrate na ng kanyang 18th birthday si Lovi. Instead of a lavish debut party, Lovi opted to stage a major solo concert entitled It's Gonna Be Love at Teatrino Greenhills. No less than singer-songwriter Ogie Alcasid will direct the show.



"Instead of having a big debut party, I would rather spend it with the people who support me and give them a good show. I want to show them my talent in singing and performing," sabi pa ng anak ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN