Faith Cuneta shows a little skin in new album cover


"Marami pa akong gustong mabago sa pangangatawan ko. May mga unwanted fats pa ako. Siguro kapag magawan siya ng paraan na mawala, I would accept the offer to pose sexy," says Faith Cuneta about the possibility of posing for a men's magazine.


Ini-launch na ang pang-apat na album ng Koreanovela Diva na si Faith Cuneta, titled Faith Begins: The Live Album, sa Podium kagabi, February 2.



Sa album ni Faith, na under Viva Records, kapansin-pansing may pagka-sexy ang cover. Sa suot na damit ni Faith, kita ang maliit na bahagi ng kanyang left breast. Ayon na rin kay Faith, sinadya raw talaga nila na ganun ang concept ng album cover para naman daw maiba sa past albums niya.



"Nag-experiment kami ng konti sa cover," sabi ni Faith. "Pinasilip lang naman namin ang isang dibdib ko, pero hindi naman buong-buo. We just wanted the album to have a sexy feel, pero classy pa rin ang dating. Marami ang nagsasabi na maganda naman daw yung concept kasi nakikita na ang maturity ko as a performer."



Paano kung alukin siya ng mga sexy men's magazines tulad ng FHM na mag-pose para sa kanila? Tatanggapin ba niya?



"Naku, depende sa kalagayan ng katawan ko!" tawa ni Faith. "Marami pa akong gustong mabago sa pangangatawan ko. May mga unwanted fats pa ako. Siguro kapag magawan siya ng paraan na mawala, I would accept the offer to pose sexy."



Aniya pa, "Nakaka-flatter naman kung totoo ngang may mag-offer sa akin. It means siguro malakas na talaga ang sex appeal ko. Tsaka sa edad ko ngayon na 27, I can do whatever I want na, di ba? But, of course, I still have to consult a few people before I make hasty decisions. Importante kasi ay kung makakatulong ba ang ganitong bagay sa career ko as a singer."



Anyway, sa bagong album ni Faith, 18 cover versions ang ni-record niya nang live sa Mugen Bar sa Metrowalk, Pasig. Ang carrier single ay ang Air Supply classic hit na "Come What May." Ang iba pang mga awiting kasama sa Faith Begins: The Live Album ay "L-O-V-E," "What Kind Of Fool," "Am I The Same Girl," "In My Life," "One In A Million You," "Suddenly It's Magic," at "Unbreak My Heart" kung saan ka-duet niya si Mark Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Magkakaroon din ng mall tour si Faith on February 11 sa The Block ng SM City North EDSA, at sa February 25 sa Glorietta, to promote her album. On February 14 naman ay guest siya sa Valentine concert na American Songwriters featuring Paul Williams and Dennis Lambert sa Araneta Coliseum.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN