Former beauty queen Alma Concepcion ventures into business


Beauty queen-turned-actress Alma Concepcion has accepted the fact that, with the emergence of new and younger young stars, she and her contemporaries are now relegated to mother roles.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) over the phone ang beauty queen-turned-actress na si Alma Concepcion last Thursday, February 1. Nag-iimbita si Alma sa kanyang bagong restaurant na Persiana Grill, sa may Santolan Road, malapit sa Camp Aguinaldo.



Ayon kay Alma ay branch ito ng original Persiana Grill na 10 years nang nakatayo sa may Pioneer Street, Mandaluyong. Nagustuhan daw ni Alma ang mga pagkain dito kaya naisipan niya at ng ilang kaibigan na magtayo ng branch nito.



"Ito na ngayon ang passion ko—ang magnegosyo," sabi ni Alma. "Since naging inactive na ako sa showbiz, iba't-ibang business na ang pinasok ko. Salamat naman sa Diyos at maayos naman lahat ng mga pinasok ko. Ngayon, tutok ako dito sa Persiana Grill. Ipinagmamalaki namin ang mga Shawarma Kebabs na specialty na nito for many years now."



Inamin ni Alma na nami-miss na rin niya ang maging busy sa showbiz. Kung noon daw ay halos wala siyang tulog dahil sunud-sunod ang kanyang shootings at tapings, ngayon ay negosyo na ang pinagpupuyatan niya.



Aniya, "Darating naman talaga ang time na maraming mga baguhan ang papasok sa showbiz. Okay lang naman ‘yon kasi ibig sabihin na buhay na buhay pa rin ang showbiz at marami pa ang gustong mag-artista."



Dagdag lang niya, "Yun nga lang, puro mga mother roles na ang nabibigay sa amin. Tulad ko, naging mother na ako nina Jennylyn Mercado and Katrina Halili noon sa isang TV show. Wala ka namang magagawa kasi ganun talaga. Trabaho pa rin iyon kaya enjoy ka na lang."



Sa totoong buhay ay single parent si Alma sa kanyang eight-year-old son na si Cobie. Ang ama ng bata ay ang lawyer na si Dodie Puno. Hindi naman daw loveless ang 1994 Bb. Pilipinas-International dahil may boyfriend siya ngayon na four years ang tanda sa kanya.



"Hindi ako mahilig sa bagets!" tawa niya. "Sakit lang sila ng ulo. ‘Tsaka ever since naman, mga mature men ang gusto ko. Hindi ko type ang maging yaya sa mga lalakeng bagets, ‘no!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos mapanalunan ni Alma ang korona bilang Bb. Pilipinas-International noong 1994—kung saan kasabay niyang nanalo si Charlene Gonzalez bilang Bb. Pilipinas-Universe—ay pinasok din niya ang mundo ng showbiz. Naging contract star siya ng Regal Films at nalinya sa sexy roles. Ang ilan sa mga pelikulang nagawa niya ay Massacre Files (1994), Sa Ngalan ng Pag-ibig (1995), Sa Kamay ng Batas (1996), Manananggal in Manila (1997), at Goodbye America (1997).

Nasangkot sa isang malaking eskandalo noon si Alma dahil sa pagkakahuli sa kanya sa Guam Airport dahil sa prohibited drugs. Siya ang ikalawang beauty queen-turned-actress na nahuli sa Guam sa parehong kaso. Ang una ay si Anjanette Abayari, na matapos ng pangyayari ay nanatili na sa Estados Unidos. Si Alma ay maluwalhating nakabalik sa Pilipinas at sa showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN