Yasmien Kurdi shrugs off lesbian issue


"Kilala ko naman po ang sarili ko, kaya hindi ko na lang pinapansin ang mga ganyang klase ng intriga," says Yasmien Kurdi about rumors that she is a lesbian.


Hindi apektado ang young actress-singer na si Yasmien Kurdi kung may ilang magsuspetsa sa kanyang gender orientation dahil sa pagiging malapit nila ngayon ni Lovi Poe. Magkasama ang dalawa sa top-rating drama series na Bakekang ng GMA-7 bilang magkapatid na sina Kristal (Lovi) at Charming (Yasmien).

Lalong inintriga at pinagdudahang tomboy si Yasmien dahil balitang magkasama sila ni Lovi sa darating na Valentine's day.

"Kilala ko naman po ang sarili ko, kaya hindi ko na lang pinapansin ang mga ganyang klase ng intriga," pahayag ni Yasmien nang na-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Thursday sa Glorietta, Makati.

"Basta masaya kami bilang magkaibigan, 'yon ang mportante. At saka hindi lang naman kami ni Lovi ang magbarkada, pati ‘yung ibang staff at cast ng Bakekang ay nakakasama namin sa ilang lakaran.

Dagdag pa niya, "Sobrang close kami ni Lovi, sobrang saya at sobrang gulo namin kapag magkasama kami. Pareho kasi kami ng interes at ugali, kaya siguro nag-click ang friendship namin. Isa pa, sobrang bait talaga ni Lovi, tunay siyang kaibigan. Kaya hindi na dapat pansinin o patulan pa ang anumang intriga. Hindi rin kami dapat magpaaapekto rito."

Sa tanong naman kung ano ang balak nilang gawin ni Lovi sa Valentine's day, ang sabi ni Yasmien ay: "Wala pang definite na plano kung manonood kami ng concert o gigimik."

Naibalita rin ni Yasmien na sa March ay pupunta sila ng Boracay nina Lovi at Arci Muñoz (StarStruck 3 Avenger at kasama rin nila sa Bakekang). Magyayaya pa raw sila ng ilang kaibigang babae para mas maging masaya ang kanilang bakasyon.

"Ngayong 18 na ako, bale first time kong mag-a-out of town na ang kasama lang ay mga kaibigan. All girls ang plano namin kaya tiyak na masaya ‘yon. Ngayon pa nga lang ay excited na ako," wika pa ng young actress-singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinalita rin ni Yasmien ang magandang response ng mga televiewers sa theme song ng Bakekang na "Tayong Dalawa," na ipinakanta sa kanya. May dalawa pa siyang kantang ire-record para sa Bakekang at magre-record din siya ng isang theme song para naman sa StarStruck.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN