"Eat Bulaga!" remembers the first anniversary of the "Wowowee" tragedy


Vic Sotto (left) and Eat Bulaga! offered a prayer in memory of the first anniversary of the ULTRA tragedy, where 74 people died and about 400 more were injured. The said tragedy happened during the first anniversary of Willie Revillame's Wowowee last February 4, 2006.



Sa pamamagitan ng isang tahimik na dasal na pinangunahan ni Vic Sotto, inalala ng Eat Bulaga! kahapon, February 3, ang mga nasawi sa Wowowee Tragedy isang taon na ang nakalilipas.

Nagkataon namang isang contestant sa "On The Spot Jackpot," isang segment ng Eat Bulaga!, ang namatayan sa malaking trahedyang naganap sa Ultra sa Pasig. Sinabi ng nasabing contestant na higit na mahalaga ang buhay ng tao kesa pera.

Magandang gesture ang ginawa ng Eat Bulaga! dahil kahit direktang kakumpitensiya nito ang Wowowee, nakiramay pa ang buong cast nito sa mga kababayang nagbuwis ng buhay sa pag-asang magkaroon ng konting ginhawa sa buhay.

Matatandaang noong February 4, 2006, ay 74 na katao ang namatay at humigit-kumulang 400 ang nasugatan sa unang anibersaryo ng Wowowee, ang successful noontime show ng ABS-CBN na hinu-host ni Willie Revillame. Pero dahil sa dami ng tao—tinatantiyang mahigit sa 30,000—na nagnanais makakuha ng tiket para makapasok sa Ultra na pagdadausan ng palabas, at dahil sa kakulangan na rin ng security measures para sa ganoong klaseng crowd, nagkaroon ng stampede. Ang dapat sana'y masayang pagdiriwang ay nauwi sa trahedya.

Pagkatapos ng nasabing malagim na trahedya ay pansamantalang nawala sa ere ang Wowowee. Ngunit di umabot sa isang buwan, noong March 1, 2006, bumalik ito sa ere at ngayon ay second anniversary na nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN