Joey de Leon is not afraid of overexposure


Joey de Leon releases his second album under Sony BMG Music entitled Joey to the World 2, which included the hit song "Itaktak Mo."


Unang album ni Joey de Leon—ang tinaguriang entertainment guru—sa Sony BMG Music Entertainment ang Joey to the World in 2004. Halos umabot na ito sa platinum, pero hindi nasundan agad.

Last Wednesday, January 31, ini-launch na ang kasunod na album ni Joey sa Sony BMG, ang Joey to the World 2, sa Cravings restaurant on Tomas Morato, Quezon City. Ang carrier single nito ay "Itaktak Mo," na paboritong sayawin ngayon, lalo na ng mga contestants sa Eat Bulaga!, kung saan isa si Joey sa main hosts. May 14 tracks ang album na lahat ay original compositions ni Joey.

Dahil napaka-popular ngayon ng "Itaktak Mo," hindi kaya maraming humingi nito sa kanya para gamiting campaign jingle sa nalalapit na eleksyon sa Mayo?

"Ewan ko, wala akong balak ipahiram o ipagamit ito," sagot ni Joey nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Mahirap kasi, kung pababayaran ko ito o ibibigay nang libre. Kaya baka kahit kay Tito Sotto, kung tuloy ang pagkandidato niya [bilang senador], hindi ko rin ito ipahiram. Baka pwede kay Vic Sotto, kung kakandidato siya pero parang malabong mangyari. Bahala na siguro ang Sony BMG. Kahit ako ang nag-compose ng song, hindi ko naman pag-aari ang album, sa kanila ‘yon."

TAKESHI'S CASTLE. Naitanong namin kay Joey ang lumabas na balita na binibili raw niya ang loteng dating kinatitirikan ng Boom na Boom sa Pasay City para pagtayuan ng local Takeshi's Castle, na isa sa mga shows niya sa GMA-7.

"Hindi totoo ‘yon, wala ako ganung kalaking pera, hindi ko kaya 'yon," natatawa niyang sagot. "Pero may alam ako na may gusto talagang magtayo ng local Takeshi's Castle, pero wala raw silang makuhang lugar. Isa pa, mahirap gumawa nito dito sa atin dahil kailangan mo munang bilhin ang rights nito sa Japanese producer, na tiyak na sisingil din nang mahal. Ngayon kasi, nasa iba't ibang bansa na ito ng Europe. Mga bago nang episodes ang ipinalalabas doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OVEREXPOSURE? Hindi takot si Joey sa overexposure at parang wala siyang kapaguran na buong isang linggo ay napapanood siya sa lima niyang shows sa GMA-7—Lunes hanggang Sabado sa Eat Bulaga!; Wednesday sa Nuts Entertainment; Saturday sa Startalk; Saturday and Sunday sa Takeshi's Castle; at Sunday sa Mel & Joey. Bukod pa rito ang gag show niyang Teka Mona sa ABC-5 every Saturday.

"Nagawa ko na ‘yon noon na six shows ang ginagawa ko sa loob ng isang linggo at may pelikula pa akong ginagawa. Kaya kung minsan, hindi na ako halos umuuwi sa bahay namin. Nasa sasakyan ko na lahat ng gamit ko sa taping at shooting," kuwento ni Joey.

"Ngayon, ayoko na munang gumawa ng pelikula. Pa-guest-guest na lang ako, last ko nga yung Enteng Kabisote 3. Kaya yung balak na gumawa raw kami ng movie nina Vic at Tito, hindi mangyayari ‘yon, lalo na kung kakandidato ulit si Tito."



Dagdag pa ng multi-talented comedian, "Ayoko ring tumanggap ng soap dahil matagal ang trabaho roon. Dapat ay kasama ako sa Asian Treasures nina Robin [Padilla] at Angel [Locsin] at sa bagong sisimulang na soap ni Richard Gutierrez, ang Lupin, pero tinanggihan ko."

Ang last soap ni Joey ay ang Sana Ay Ikaw Na Nga with Dingdong Dantes and Tanya Garcia sa GMA-7 din.

Kapag nakakaramdam na raw ng pagod si Joey, humihingi siya ng bakasyon. Pero hindi rin daw siya nakakatagal.

"Two weeks pa lang akong hindi nagri-report sa Eat Bulaga!, hinahanap ko na ito. Nami-miss ko yung samahan namin doon," sabi ni Joey.

WOWOWEE. Hiningan din namin ng reaksiyon ang comedian sa pagtaas ng ratings ng kalaban ng Eat Bulaga! na Wowowee. May mga araw o linggo kasing nalalamangan na sila ng noontime show ni Willie Revillame sa ABS-CBN.

Ani Joey, "Sa akin, talagang magsu-survive ang dalawang shows. Nangyari ‘yon nang mag-testing kami na tanggalin muna ang "Bulagaan" portion ng show. Ayaw pala ng mga televiewers nun, mas gusto nila yung nagpa-participate sila kahit nasa bahay lamang sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Saka biro ko nga, hindi na kami magkasabay ng Wowowee dahil kami ang noontime show. Ang sa kanila, pahapon na, kaya afternoon show na sila. Kaya hindi mo pa rin masabing natatalo na kami, hindi na kami sabay ng timeslot."

KEEMPEE, JOCAS, JACO, JIO. Kinumusta rin namin kay Joey ang mga anak niya, na maliban kay Kempee de Leon—na anak niya sa aktres na si Daria Ramirez—ay wala nang sumunod sa yapak niya.

"Pare-parehong mahihilig mag-aral ang mga anak namin ni Eileen [Macapagal]. Si Jocas ay graduate na sa New York, pero itinuloy pa nito ang pagkuha ng Masters in Economics. Ang sumunod na si Jaco ay graduating na, leading to Medicine. Gusto raw niyang ituloy ito sa Geriatric Medicine sa New York dahil ‘yon daw ang in-demand ngayon doon," very proud na kuwento ng comedian.

"Ang bunso naming si Jio ay graduating naman sa Ateneo ng high school at gusto naman niyang forensic studies ang kunin sa States. Kaya kung minsan, nagpaparinig na ako na, ‘Paano naman kami, iiwanan n'yo na?' Mabuti na lamang at si Keempee, sumunod sa mga yapak ko," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN