Lani Misalucha: Goodbye "SOP," hello "ASAP '07"



Magbabalik na sa Pilipinas ang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha sa February 17, pero hindi as a Kapuso but as a Kapamilya.

Ibinabandera na sa ASAP ‘07 ang isang "bagong Kapamilya" na malapit nang mapanood—si Lani ito. The current toast of Las Vegas with her Society of Seven show sa Flamingo, kung saan nagpe-perform din ang malalaking international singers gaya ni Gladys Knight (of Gladys Knight & The Pips), Lani will take a two-month vacation for a series of homecoming reunions sa Pilipinas.

Sa kanyang pagbabalik, she joins the roster of concert artists of ABS-CBN's Sunday musical variety show ASAP ‘07, hindi ang iniwanan niyang show bago siya pumunta sa Las Vegas—ang SOP ng GMA-7.

This surprised the main hosts of SOP na sina Regine Velasquez, Jaya, Janno Gibbs, Ogie Alcasid, and even Rufa Mae Quinto, na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the re-launching of SOP yesterday, February 4.

Alam nilang darating si Lani sa Pilipinas ngunit hindi nila alam na sa ASAP ‘07 na pala siya magiging regular for the duration of her stay here. Sabi nga ni Rufa Mae, she is seriously looking forward pa naman to doing a duet with Lani. Ang sexy comedienne kasi ang magre-revive ng "Tila," isa sa mga huling recorded songs ni Lani bago siya umalis sa Pilipinas.

Dagdag pa nina Jaya and Regine, looking forward pa naman daw sila sa isang reunion back-to-back with their former co-host, pero tanggap naman nila kung magkakaiba na sila ng network. Sabi nga ni Regine, they remain friends and they understand if this is Lani's decision. Sabi pa ni Regine, kung sina Richard Gomez and Jolina Magdangal nga raw ay dating nasa ASAP din noong nasa ABS-CBN pa sila, pero ngayon ay kasama na rin nila sa SOP.

Sa pagkakaalam namin, Lani is being handled by Ida and Ronnie Henares pa rin. Ida is GMA-7 Artist Center's big boss.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

American Idol finalist Jasmine Trias will take over temporarily sa Flamingo show na iiwanan ni Lani with the Society of Seven.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN