Angel Locsin's manager denies being sued by the young actress


Talent manager Becky Aguila says that she and Angel Locsin (pictured) have settled whatever differences they had and are now "making up for lost time."


Nuon pang Biyernes, Pebrero 2, hinahagilap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila para linawin ang isyung lumabas sa People's Journal (Enero 31) na sinampahan siya ng kaso ng young actress noong December 28.

Ayon sa lumabas na balita, nagsampa ng kasong breach of contract si Angel—whose real name is Angelica Colmenares—laban sa manager niyang si Becky. Kabilang sa mga inihaing reklamo ni Angel ay ang kawalan ng effort ng manager para mapasulong ang kanyang career. Ayon raw kay Angel, ang mga television at movie projects na ginawa niya mula April 2004 hanggang December 2006 ay hindi sa kanyang manager nanggaling kundi sa GMA Artist Center. Sa kabila nito, diumano'y regular na tumatanggap ng komisyon na 20 percent si Becky sa lahat ng proyektong ginagawa ni Angel.

Hiniling din ni Angel sa korte na ipawalang-bisa ang kontrata niya sa manager, claiming "it was signed under fraudulent circumstances."

Kaugnay nito, inatasan ni Judge Theresa Yadao si Becky na humarap sa korte para sagutin ang reklamo ng young actress na humihingi rin ng P500,000 para sa damages. Ngunit sa kasamaang palad, nabigo ang sheriff na nakatalaga sa QCRTC Branch 81 na ihain kay Becky ang summons dahil mali raw ang address na naibigay ni Angel.



PROBLEMA SA PERA. Matatandaan na halos kauumpisa pa lang ng taong 2006 nang pumutok ang hidwaan ng dalawa. Noon ay tinangka ni Angel na kumawala sa poder ni Becky. Ayon sa young actress, August 2005 pa sila nagsimulang magkaroon ng problema ng kanyang manager. Sinikap niyang sarilinin ang kinikimkim na sama ng loob, hanggang sa napuno siya at hindi na ito kinaya.

Bagama't hindi idinetalye ni Angel ang dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan ni Becky, maugong ang bulung-bulungan na pera ang pinag-ugatan ng lahat. Bagay na mariing itinanggi naman ni Becky.

Ito ang mga pahayag noon ni Becky sa kainitan ng isyu: "Hindi ko siya ninakawan! Hindi ako kumukuha sa kanya nang sobra-sobra sa commission ko. Angel knows the truth. And kung sakaling she has doubts and concerns, tinanong at hinarap niya dapat ako. I'm more than willing to show her financial statement. Puwede kong ipakita ang labas at pasok ng pera niya, wala akong kahit magkanong ginalaw sa sarili niyang pera."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsalita rin ang kambal na anak ni Becky at ibinulgar ang diumanoy pambabastos ni Angel sa kanilang ina. Bagay na kinumpirma naman ng talent manager. Dagdag pa ni Becky, naniniwala siyang may nagsulsol lamang kay Angel kaya kinalaban siya nito.

"Alam kong marami nang nakapagsulsol sa kanya. Alam kong may naglason na sa isip niya. But if she respects me as her manager, hinarap sana niya ako at kinausap para nagkaintindihan kami," sabi pa noon ni Becky.

Dagdag pa nito na labis niyang ikinalulungkot ang nangyari sa relasyon nila ni Angel dahil higit pa raw sa tunay na anak ang turing niya rito. Sa katunayan daw, madalas itong pagselosan ng sarili niyang mga anak dahil sa labis na atensiyon at pagmamahal na ipinapakita niya sa dalaga.

"I'm hurting so much. At the right time, the truth will come out. I'm hoping for her enlightenment. I love her like my own and it's not just for the money," pahayag dati ni Becky.

"I don't deserve this, alam niya kung ano ang totoo. Huwag naman niyang sayangin ang pinagsamahan namin. It's so easy to reach me but she didn't do it, parang mas pinagkatiwalaan pa niya ang ibang tao kaysa sa akin," nasabi pa ni Becky that time.

BECKY'S SIDE. Matapos ang mga pahayag ng manager, natahimik ang isyu at nagpatuloy ang kanilang manager-talent relationship ni Angel. Inakala nga ng lahat na naayos na ng dalawa ang problema. Kaya gayon na lang ang gulat ng marami nang gumulantang ang balita sa People's Journal noong January 31.

Ngunit ayon kay Becky, na finally ay sinagot din ang text ng PEP kagabi, February 3, walang katotohanan ang balita.

Ito ang nilalaman ng text message niya sa PEP: "Kindly help me clear the issue regarding the article at People's [Journal] against me. Angel and I patched up our differences, came up with an agreement, kissed and made up with my twins last Dec. 27. Apparently, the complaint was filed earlier than expected and Angel will formally withdraw the case.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Past is past, everything is water under the bridge. We've been separated for a year-and-a-half. We're both making up for lost time. I'm spending more time with her and closely in touch when I'm not. She also finds time bonding with my twins. We're even closer and sweeter the second time around. I'm glad that all's well that ends well with my twins and Angel.

Dagdag pa niya, "Finally my 'prodigal' daughter is back. I love Angel like my very own and I know she feels the same way. By the way, the article at People's specified that I was missing and couldn't find my residence and office. Baseless and untrue. What an irresponsible writer and source just to create news. Shame on both!"

Si Becky rin ang manager ng young actress na si Jennylyn Mercado at ng child actress na si Eunice "Charming" Lagusad. Ang dati niyang alaga na si Karen delos Reyes ay kumalas din sa kanyang poder dahil diumano sa isyu ng pera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN