Phillip, Bong, Jinggoy, Rudy, and Pip together in one concert


"Let's face it, lahat ‘yang mga ‘yan, mga tao na super-busy. Kaya isang milagro kapag nakaka-perfect attendance sila tuwing nagpapatawag kami ng meeting or practice," says Malou Choa-Fagar, production manager for the All We Need Is Love concert, featuring Phillip Salvador, Bong Revilla, Jinggoy Estrada, Rudy Fernandez, and Tirso Cruz III.



Pumasyal ang PEP (Philippine Entertainment Portal) last January 30 sa rehearsal-cum-production meeting ng All We Need Is Love, ang post-Valentine concert ng magbabarkadang sina Rudy "Daboy" Fernandez, Phillip "Ipe" Salvador, Tirso "Pip" Cruz III, at ang mga senador na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Si Daboy lang ang hindi present that night dahil last taping day nito for Atlantika ng GMA-7.

Inabutan namin na nagre-rehearse ng kantang "Hanggang" ni Wency Cornejo ang maybahay ni Senator Jinggoy na si Precy Ejercito, na guest sa show, habang sinasabayan ng isang piyanista at ni Pip na nag-gigitara.

Sinundan ito ng ganadong umawit na si Senator Jinggoy, na sumasayaw pa habang nagpa-practice. Seryoso naman si Kuya Ipe sa kanyang pagkanta at kahit na matataas na tono ng mga nire-rehearse niya ay kinarir niya talagang abutin.

Hindi certified diva, pero panalo ang singing voice ni Lorna Tolentino, asawa ni Daboy, na isa rin sa mga guests sa nalalapit na show sa Zirkoh Greenhills.

Hindi nakarating sa practice ang isa pang guest na si Lani Mercado, asawa ni Bong. Late dumating si Senator Bong dahil galing naman ito sa taping ng Hokus Pokus.

Wala rin ang special guest performer nilang si Kyla.

Nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap ang production manager ng show na si Malou Choa-Fagar, lady boss din ng TAPE, Inc. na producer ng Eat Bulaga! Ayon kay Tita Malou, natutuwa siya sa kanilang mga "concert artists" dahil sa kabila ng hectic schedules ng bawat isa, ginagawan talaga ng mga ito ng paraan na makasipot sa kanilang mga production meetings at rehearsals.

"Mahirap, as in mahirap na parte talaga sa pagbuo ng show na ito ‘yung respective schedules nila," sabi ni Tita Malou. "Let's face it, lahat ‘yang mga ‘yan, mga tao na super-busy. Kaya isang milagro kapag nakaka-perfect attendance sila tuwing nagpapatawag kami ng meeting or practice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And so far, nakakagulat naman talaga na nagagawan nila ng paraan na makasipot kahit na sobrang busy nilang lahat, at nakakatuwa naman ang effort nila. Lahat sila, goal nila talaga na maging successful ang show, na walang mga major problems or kapalpakan na mangyari. At nagpapakaseryoso sila talaga dahil ayaw nilang masintunado during the show, or makalimutan nila ang lyrics ng kanta nila, " natatawang pahayag pa ni Tita Malou.

Incidentally, bisperas ng kaarawan ni Jinggoy ang petsa ng kanilang concert na gaganapin sa February 18 sa Zirkoh Greenhills. Incidentally, kahit anong pilit, ayaw i-reveal sa amin ni Senator Jinggoy kung ilang taon na siya.

Mga love songs, kanta ng Beatles, at rock-and-roll ang inaasahang mapapanood sa All We Need Is Love.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN