Judy Ann on Ryan: "He's very loyal"


Sweethearts Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo say that they still have no plans of settling down. The couple also say that they want to concentrate on their showbiz careers.



Hindi raw nangangamba ang young superstar na si Judy Ann Santos kung saka-sakaling matsismis na babaero ang boyfriend niyang si Ryan Agoncillo.



Sa guesting nila ni Ryan sa 10th anniversary ng Walang Tulugan With The Master Showman ni German "Kuya Germs" Moreno sa GMA-7, sinabi ni Juday na noon pa mang nanliligaw sa kanya si Ryan ay may mga naririnig na siyang mga balitang babaero raw ito. Pero wala pa naman daw insidenteng na-link si Ryan sa iba mula nang maging sila.



"Malaki ang tiwala ko kay Ryan," sabi ni Juday. "Tsaka ang alam ko, he's very loyal. But of course, dasal ko na walang problema na dumating sa relasyon naming dalawa."

Naging topgrosser sa nakaraang 2006 Metro Manila Film Festival ang first movie together nina Juday at Ryan na Kasal, Kasali, Kasalo, na idinirek ni Jose Javier Reyes for Star Cinema. Ibinalita ni Juday na in the works na ang sequel ng naturang movie.



"Pinaplano na nila sa Star Cinema," banggit ni Ryan tungkol sa sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo. "Natuwa kasi sina Tita Malou [Santos, executive producer of Star Cinema] at Direk Joey sa kinalabasan ng movie kaya inaayos na nila ang magiging sequel nito. We're just waiting for whatever na napagkasunduan nila regarding that."



Samantala, last year pa napag-uusapan sa apat na sulok ng showbiz ang kasal diumano nina Juday at Ryan. Pero wala pang confirmation mula sa dalawa. According to Ryan, priority pa rin daw nila ang kanilang showbiz commitments. Tulad ngayon, nagsimula na silang mag-taping para sa drama series nilang Ysabella sa ABS-CBN.



"Pareho kasi kaming busy ni Juday this year. In fact, may soap nga kaming dalawa plus other shows pa. Trabaho muna ang haharapin naming dalawa," sabi ni Ryan.

Dagdag naman ni Juday, "Malalaman naman nila ‘yan, di ba? Hindi naman kasi minamadali ang lahat. Like what Ryan said, trabaho muna kami ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Ysabella ang ikalawang pagkakataon na magkakasama sa isang primetime show sa ABS-CBN sina Juday at Ryan. Una silang nagkasama sa fantaserye na Krystala.



Sa April ay magkakaroon ng ilang shows sa U.S. sina Juday at Ryan. Ito ang continuation ng kanilang naging U.S. show last year na Love Speak. Makakasama nila rito ang Koreanovela Diva na si Faith Cuneta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN