Janno Gibbs reacts to Bing Loyzaga-Bong Alvarez issue


Janno Gibbs defends wife Bing Loyzaga against talks linking the actress to former basketball player Bong Alvarez.



Last week ay pumutok ang balita na nagkainitan daw sa Embassy bar ang dating basketball player na si Bong Alvarez at ang model-TV host na si Borgy Manotoc. Napagkamalan daw kasi ni Bong ang girlfriend ni Borgy na si Ornussa Cadness na waitress sa nasabing paboritong gimikan ng mga celebrities.

Lalo pang uminit ang isyu dahil ang ka-date diumano ni Bong noong gabing yun ay ang aktres na si Bing Loyzaga. Marami ang nagulat sa balitang ito dahil bagama't may problema sa relasyon ni Bing at ng asawa nitong si Janno Gibbs ay hindi pa naman sila talaga hiwalay. Si Bong naman ay may asawa rin sa katauhan ng dating aktres na si Almira Muhlach, half-sister ni Aga Muhlach.

Sa re-launching ng Sunday musical variety show ng GMA-7 na SOP kahapon, February 4, nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Janno. Hiningan namin ng reaksiyon ang singer-comedian tungkol sa pagli-link kina Bing at Bong.

"Yang issue naman na ‘yan, hindi dapat kasama si Bing. Nagkataon lang na nandoon siya sa lugar kunsaan nagkaroon ng problema si Bong with Borgy," panimulang pahayag ni Janno.



Dagdag pa niya, "Sa pagkakakuwento ni Bing, mainit na raw ang grupo ni Borgy kay Bong kasi nga pinagkamalang waitress ni Bong si Ornussa. Kaya naman kasama si Bing doon is because barkada ni Bing ang sister kong si Melissa [Gibbs] at si Almira [Muhlach], na wife ni Bong. Kasama rin nila that time si Ogie [Alcasid].



"Noong matunugan ni Bing ang balak nga raw nina Borgy na kumprontahin si Bong, sinabihan na ni Bing si Bong na umalis na kasi baka may hindi pa magandang mangyari sa kanya. Yun lang naman ‘yon. Nagtaka tuloy si Bing kung bakit na-link siya kay Bong e naging concerned lang naman siya dun sa tao," kuwento pa ni Janno.

Ayon pa kay Janno, madalas daw talagang lumabas si Bing kasama ang mga barkada nito. Minsan daw ay niyayaya siya ng mga ito, pero hindi siya sumasama dahil wala siyang hilig gumimik sa mga lugar gaya ng Embassy, na kung ilang beses nang napabalitang may nag-away.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, ibinalita ni Janno na makakasama siya sa bagong show ng GMA-7 na Lupin, na pagbibidahan ni Richard Gutierrez. Maganda raw kasi ang role na gagampanan niya kaya hindi niya ito natanggihan.

Natatakot nga lang si Janno dahil sa matinding taping schedule ng show. Kilala kasi si Janno sa madalas na pagiging late nito sa kanyang mga shows.



"Doon ako natakot kasi ayokong maging sakit ng ulo ng mga tao sa production. Tinanong ko naman sa kanila kung sigurado ba sila na ako ang gusto nila. Oo raw at maganda nga kasi ang role kaya sayang kung ‘di ko gagawin," sabi ni Janno.



Malapit na rin daw lumabas ang bago niyang album niya sa GMA Records. Most of the songs daw sa naturang album ay isinulat niya.



Ani Janno, "Very personal yung album kasi I wrote a song for myself titled "Little Boy." That will also be the title of the album. I also wrote a song for Bing and for my kids. Matagal din naming trinabaho yung album kasi ako nga halos gumawa lahat ng songs. I want the album to be special."



Dagdag pa niya, "The album is about my journey sa trabaho kong ito. Yung mga pangarap ko noong bata pa ako ay naging totoo lahat. Gusto kong malaman ‘yan ng marami through the songs na ako mismo ang nagsulat. Abangan nila ito kasi it's the most personal album na nagawa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN