Ara Mina becomes emotional during her concert at the Big Dome


Ara Mina is back in Polo Ravales's arms even though they are going through a rough patch in their relationship.


Napatunayan ni Ara Mina na handa na siya para sa Big Dome pagkaraan ng 15 taon sa showbiz industry. Naging matagumpay ang kanyang unang major concert na Loving Ara noong nakaraang Sabado, February 3, dahil napuno naman ang lower box ng Big Dome. Dinaluhan ang naturang concert ng iba't ibang personalidad sa showbiz at sa pulitika.

Naroon sa nasabing event ang kanyang amang si Chuck Mathay at ang dating mayor ng Quezon City at lolo ni Ara na si Mel Mathay. Ilan pa sa mga nanood sa Loving Ara ay sina Alicia Mayer, Lotlot de Leon, Sharmaine Arnaiz, Annabelle Rama, Ehra Madrigal, Nicole Anderson, Beth Tamayo, Gina Pareno, Nadia Montenegro, at ang nakababatang kapatid ni Ara na si Cristine Reyes.

ARA IS BACK IN POLO'S ARMS. Hindi binigo ni Polo Ravales si Ara bagamat malabo ang relasyon nilang dalawa sa ngayon. Maagang dumating sa venue si Polo dahil mayroon itong sexy dance number kasama si Ara.

Habang kinakanta ni Ara ang awiting "I Didn't Know I Was Looking for Love," pumasok nang naka-maskara si Polo. Tinanggal ng aktor ang maskara at isinayaw si Ara. Unti-unti rin nitong pinunit ang kanyang sando.

Tinanong ni Ara si Polo, "Love mo pa ba ako o hindi na?" Sumagot naman si Polo, "Of course." Sinabi naman ni Ara na "ayusin natin after the concert."

SCENE STEALERS. Sa unang bahagi ng concert, naging malakas ang hatak ng pagpasok sa stage ng komedyante at Eat Bulaga! host na si Jose Manalo. Kumanta naman ng mga rock songs sina Nay Dimaculangan ng bandang 6Cyclemind at Raimund Marasigan ng bandang Sandwich. Kinakanta ni Nay ang "Sandalan" at "Sugod" naman kay Raimund.

Matapos ay tinawag ni Ara si "Wangbu," ang spoof ni Jose sa singer na si Bamboo Mañalac ng bandang Bamboo. Nagtilian ang mga tao nang pumasok si Jose upang kantahin ang "Hallelujah," ang kantang pinasikat ng Bamboo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang maiwan sa stage sina Jose at Ara, ipinakilala nila ang susunod na performers—ang all-male group na Sex Balls na binubuo nina Michael V, Ogie Alcasid, Antonio Aquitana, at Wendell Ramos. Kinanta ng pilyong grupong ang version nila ng "Kiss." Nagbiro pa nga ang mga kasamahan ni Ara sa Bubble Gang na tinanggihan nila lahat ng raket sa gabing 'yon para lang sa sexy actress-singer.

COMIC RELIEF. Sa katagalan ni Ara sa GMA-7 comedy show na Bubble Gang, hindi na rin siya bago sa pagpapatawa, lalo pa't kasabay niyang nagtanghal ang komedyanang si Rufa Mae Quinto.

Matapos kantahin ni Rufa Mae ang kantang "All This Time," pabiro niyang sinabi na: "I dedicate this song to myself." Niloko rin niya ang sarili niyang damit sa pagsasabing, "Galing po ako sa seminar ng mangingisda." Noong gabing iyon, animo'y lambat ang suot na palda ni Rufa Mae.

ARA BECOMES EMOTIONAL. Sa kanta namang "Everything I Do," hindi napigilang maiyak ni Ara. Pinalakpakan naman ito ng madla kahit pa may ilang segundo din siyang natigilan. Sa maikling panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Ara, "On the spot, bigla na lang akong naging emotional."

Tinapos niya ang kanyang pagtatanghal sa kantang "Paalam Na." Wala raw itong kinalaman sa relasyon nila ni Polo. Swak lang talaga ito sa pagtatapos ng isang palabas.

Inorganisa ni Ara ang concert hindi lamang para ipagdiwang niya ang kanyang ika-15 taon sa showbiz kundi para rin sa kanyang Ara Mina foundation. Ang naturang foundation ay tumutulong sa mga batang may biliary atresia, isang sakit kung saan may harang sa mga tubo na nagdadala ng bile mula sa liver papunta sa gallbladder ng bata.

Isa pa sa mga benepisyaryo ng naturang concert ang mga foundations na nag-aalaga ng taong may Down's syndrome. Lingid sa kaalaman ng publiko, mayroong kapatid si Ara na ipinanganak nang may ganung karamdaman—ang 14-year-old na si Mina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN