Jaya reacts to Lani Misalucha's switch


"Ako naman, when you get an offer like that and it's really, really good, then do it, trabaho ‘yan e," says Jaya about Lani Misalucha's decision to move to ABS-CBN.



Kumpirmado nang babalik sa Pilipinas ang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha on February 17. Pero taliwas sa inaakala ng lahat na sa SOP ng GMA-7 siya muling masisilayan pagbalik niya, magiging regular na si Lani sa kalaban nitong programa na ASAP '07 sa ABS-CBN.

Kahapon, February 4, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa GMA-7 compound ang isa sa mga co-hosts sa SOP ni Lani na si Jaya. Hiningan namin si Jaya ng reaksiyon sa napipintong paglipat ni Lani sa ASAP.

"'Yan yung hindi ko alam kung siya ay mag-a-ASAP or show sa States na ipapalabas sa ABS-CBN. Basta ang nabalitaan ko lang, sa Kapamilya siya," sagot ni Jaya.

Ayon kay Jaya, wala siyang sama ng loob kung totoo ngang lilipat si Lani sa katapat na programa ng SOP.

"Sama ng loob? Wala. She's a mother of two, she's a housewife, and an entertainer. Ako naman, when you get an offer like that and it's really, really good, then do it, trabaho ‘yan e. Wala, wala. Sa akin, hindi masakit kasi desisyon niya yun," paliwanag ng Soul Diva.

"Honestly ako, when Wyngard Tracy was still handling me, he told me na I have an offer with ABS. Pero ako talaga, I'm already very comfortable na with GMA. E nandito na lahat ng swerteng ibinigay sa akin, tapos iiwanan ko? Para ka namang walang kakuwenta-kuwentang ano nun," sabi pa ni Jaya na ang tinutukoy ay ang tatlong shows niya sa GMA-7: SOP, All Star K, at Pinoy Pop Superstar.

Jaya clarifies though that she has nothing against Lani. Mahal na mahal daw niya ang Asia's Nightingale bilang kaibigan, no matter what.

Aniya, "No, no, I'm not saying na... I'm speaking for myself. Kasi, hindi ba, sa sarili ko, nandito ako, hindi naman ako umalis, walang natigil sa akin, tuloy-tuloy, padagdag nang padagdag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pwede siguro na nala-ocean deep [laos] ako or natigil ako nang matagal. Siguro kung ganun ang sitwasyon, ‘pag may nag-offer na something, pwede. Pero masaya naman ako dito sa GMA-7," mahabang paliwanag ni Jaya.

Hindi ba sila nagpa-panic ng kanyang mga kasamahan sa SOP kapag may mga pagkakataong mas mataas ang rating ng ASAP kaysa sa show nila, na once in a while ay nangyayari naman talaga?

"Ang nangyayari kasi, kapag nagsu-show kami, talagang we don't think it's going to be a good show or a bad show. Lagi kaming ‘It's going to be a good show.' Tapos kapag bumaba ang rating, parang ‘O, ano ang nangyari?' Kasi depende ‘yan sa lipatan ng channel. Yung iba, naglipat, nag-stay dun [sa ASAP]. Yung iba, naglipat, nag-stay dito [SOP]," kaswal pang sabi ni Jaya bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN