Sharon still mum about KC and Lino relationship


Sharon Cuneta clarifies a report saying she doesn't like TV director Lino Cayetano for her daughter KC Concepcion.



Kahit walang kumpirmasyon sa panig nina KC Concepcion at Lino Cayetano sa totoong estado ng kanilang relasyon, patuloy pa rin ang pagkalat ng mga balitang madalas na nakikitang lumabas ang dalawa. Si KC ay anak ng Megastar na si Sharon Cuneta at ng dating aktor na si Gabby Concepcion, samantalang si Lino ay direktor sa ABS-CBN at anak ng yumaong senador na si Rene Cayetano.



Unang lumabas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balitang nakita sina KC at Lino na magkasama Sonya's Garden sa Tagaytay noong Christmas season. Ilang araw pagkatapos nito ay namataan naman ang dalawa sa Boracay.

Nuon namang January 31 ay isang larawan at maikling balita ang inilabas ng entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal sa column niya sa Philippine Daily Inquirer tungkol kina KC at Lino. Ayon kay Dolly Anne, isang e-mail ang natanggap niya mula sa isang reader at kalakip nito ang larawan nina KC at Lino na diumano ay magkasama ng "a few weeks" sa Hong Kong.

Nang mag-guest ang Megastar na si Sharon Cuneta sa Eat Bulaga! noong Sabado, February 3, ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na hingan siya ng reaksyon tungkol sa inilabas na balita ni Dolly Anne.

"Ang sasabihin ko lang, di totoo yung weeks... KC was not even here for three... Kasama niya kami sa Hong Kong," sabi ni Sharon.

"I won't say anything about the issue. I will answer it in a proper venue," pag-iwas niya. "Saka please lang, nakikiusap ako, huwag na nating pag-usapan yung KC-Lino issue, pati yung Hong Kong. Nakakairita saka hindi na dapat," seryosong wika pa ng Megastar.

Nilinaw rin ni Sharon ang lumabas na balitang hindi raw siya boto kay Direk Lino para kay KC.



"I don't remember saying that and I don't wanna talk about it. My daughter is smart and she has a good head on her shoulders," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, cute na cute at bibang-biba ang second child ng Megastar na si Frankie Pangilinan sa McDonald's commercial nilang dalawa. Pero ayon kay Sharon, baka huling commercial muna ito ni Frankie kahit dagsaan ang mga offers na natatanggap nila ngayon. Mas gusto kasi ni Sharon at ng asawa nitong si Senator Kiko Pangilinan na magtapos muna ng pag-aaral ang bata.



"Before the [McDonald's] commercial came out, kinausap na namin siya," sabi ng actress-singer-TV host. "Ang dami-dami niyang offers, pero di namin tinatanggap lahat. Sabi namin kay Frankie, this would be her last for a long time. Paglabas ng commercial, lalong dumami ang offers but we have to say no muna.



"Parang sa Ate KC niya, sana magtapos muna [si Frankie]. Si KC kasi, parang nasa showbiz siya, pero parang hindi. Personally sa akin, sana ‘wag na lang kasi pagulo nang pagulo. Kumbaga, di naman kailangan," paliwanag pa ng Megastar.

Ilang buwan na lang ang bibilangin ay eleksyon na naman, kung saan tatakbo uli bilang senador si Kiko. Aminado ang Megastar na handa na sila sa gulong pagdadaanan nila dahil sa kandidatura ng asawa.



"Siyempre, lahat ng suporta ibibigay ko sa kanya bilang asawa. Pero heto, magugulo na naman ang mundo.... Magsisimula na naman ang kampanya so busy talaga. Saka nagwo-work pa ako for Sharon, tatlo ang anak ko at ga-graduate pa si KC ngayon," litanya pa ng Megastar.

Kinumpirma rin ng Megastar na inihahanda na ng Star Cinema ang pelikulang pagsasamahan nila ng Star for All Seasons na si Vilma Santos. Ito ang unang pagkakataon na magsasama sa pelikula ang dalawa sa pinakamalaking bituin sa Pilipinas.



"Ginagawa na ng Star Cinema, we're talking about it na. Of course, I'm really happy and excited to work with the Star For All Seasons," masayang pahayag ni Sharon.

Sa darating na February 10, Saturday, ay gaganapin na ang My Mega Valentine 2 concert ni Sharon sa Araneta Coliseum. Special guests niya rito ang Apo Hiking Society at ang Concert Queen na si Pops Fernandez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN