Almira Muhlach speaks up for husband Bong Alvarez


Almira Muhlach defends her husband—former basketball player Bong Alvarez—who mistook Ornusa Cadness for a waitress at Embassy Bar.


Naging usap-usapan ngayong linggo sina Bong Alvarez at Borgy Manotoc nang halos magpang-abot sila sa Embassy Bar, The Fort, Taguig, noong January 31. Nagsimula ang gulo nang mapagkamalan ni Bong na waitress ang girlfriend ni Borgy na si Ornusa Cadness. Matapos nito'y nagsumbong ang model sa boyfriend na si Borgy, kahit pa humingi ng dispensa si Bong.

Isa sa mga umawat kina Bong at Borgy ay ang singer-comedian na si Ogie Alcasid. Kwento ni Ogie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong February 3 sa Araneta Coliseum, "I don't really know what happened...I didn't see what happened. We intervened. I think it's just an honest mistake on Bong Alvarez's part. It wasn't a big story, ni hindi naman nagka-sagupaan."

Ang asawa ni Bong na si Almira Muhlach ang nagsalita para sa dating basketbolista tungkol sa nasabing isyu.

ALMIRA TALKS. Pinili ni Bong na huwag munang magsalita tungkol sa nangyari. Kaya naman ang asawa nitong si Almira na lang ang humarap sa isang live interview ng S-Files nitong Linggo, February 4.

Sa kwento ni Almira sa naturang palabas, hindi niya alam na noong gabing iyon ay nasa Embassy Bar pala si Bong. Paalam kasi nito'y pupunta ito sa Metrowalk sa Pasig City.

"When I talked to Bong, sabi niya Ornusa was facing...nakatalikod sa kanya. He said, ‘Miss,' and he was about to order. Nung humarap naman si Ornusa, siyempre he recognized who Ornusa is. Yun nga.

"Biglang si Ornusa, lumapit kay Borgy, sinabi yung incident. Siyempre, nagalit si Borgy. Right away, nag-sorry si Bong because it was an honest mistake. Nag-sorry na siya. Hindi naman talaga nagkainitan."

BING LOYZAGA. Higit na naging matingkad ang kwento nang madawit ang pangalan ni Bing Loyzaga, asawa ng singer-comedian na si Janno Gibbs, na diumano'y date daw ni Bong noong gabing iyon. Sa kwento ni Almira, sinabi nitong nagpaalam si Bong na mayroon itong appointment sa Metrowalk. Tsaka na lang nalaman ni Almira na nasa Embassy pala si Bong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Almira na nasaktan siya nang marinig niya na sangkot sa intriga si Bong. Aniya, "Yes, of course, any wife would be hurt, right? At that time, si Bong wala sa bahay. I was trying to call him [kasi] may bago na namang issue, di ba? Hindi ko siya ma-contact. What I did is that I called Bing and asked her. Kasi si Melissa Gibbs is a close friend of mine, I got her [Bing's] number from her." (Melissa is Janno's younger sister.)

Pagpapatuloy ni Almira, "Sabi ko, ‘Magka-date ba kayo ni Bong?' Natawa siya. 'I'm just asking,' sabi ko. Hindi, nagkita lang daw sila dun. Kasama ni Bing si Mylene Dizon. I don't know kung bakit sila napagkamalang magka-date [ni Bong], e. Sabi ko, ‘Magkatabi ba kayo?' Hindi naman daw sila magkatabi ng chair. They were in one table."

Tinanong ng S-Files host Paolo Bediones si Almira kung ano nga ba ang estado ng kanilang relasyon ngayon ni Bong.

Ayon sa asawa ng dating basketbolista, "I cannot deny na since 'andaming balita, especially on his side. I can't say that we have a happy marriage but we're still together. We're trying to work things out especially [since] we have three kids. Hindi naman ito yung parang mag-girlfriend-boyfriend na di kayo magkasundo sa ugali, sige bye."

Pinayuhan din ni Almira si Bong na maging maingat lalo pa't lapitin ito ng mga intriga. Pinag-iisipan din ng mag-asawa kung magma-migrate na sila sa Estados Unidos. Retirado na si Bong sa basketball. Habang naghihintay, planong magbalik ng showbiz ni Almira. Pinasalamatan ni Almira ang talent manager na si Annabelle Rama sa pagtulong sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN