Amy Perez trying to move on after miscarriage


"I've learned na hindi na magtanong nang ganun and just to understand and see the lesson kung bakit kailangang mangyari ito. Lahat naman tayo, kumbaga, may mga pain na pinagdadaanan and we are just being tested by God," says Amy Perez (here with live-in partner Carlo Castillo) about her miscarriage.



Balik-trabaho na si Amy Perez pagkatapos niyang makunan sa anak nila ng boyfriend niyang si Carlo Castillo.

Matatandaan na nuong January 14 ay inilahad ni Amy sa The Buzz ng ABS-CBN ang kanyang bagong pag-ibig sa katauhan ng DZMM field reporter na si Carlo Castillo. Kasabay ng kanilang pag-amin sa kanilang relasyon ay isang matinding paglalahad din ng pagdadalang-tao ni Amy.

"Ipinangako namin ni Carlo na kakayanin namin 'yon para maiayos o maitama yung dapat itama," sabi pa noon ni Amy sa The Buzz tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Kinagabihan, pagkatapos ng kanilang guesting sa The Buzz, ay biglang isinugod sa hospital si Amy dahil sa pananakit ng kanyang tiyan. Kinaumagahan, January 15, ay nalaman ni Amy mula sa kanyang doktor na ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay hindi raw nariringgan ng heartbeat. Dito na nila nadiskubre na nakunan na pala ang actress-TV host.

Last Sunday, February 4, ay nag-guest ulit si Amy sa The Buzz. Ayon kay Amy ay unti-unti nang bumabalik sa normal ang kanyang pangangatawan. Most importantly, unti-unti na rin silang bumabangon nina Carlo at Adi pagkatapos ng trahedya. (Si Adi ang anak ni Amy sa dating bokalista ng South Border na si Brix Ferraris.)

"I'm okay. Adi, Carlo and me, we're trying to move on. Hindi na namin siya pinag-uusapan. Basta tinitingnan namin siya on a brighter side. It's not too late, you know. We're still together. We're happy together so we can still and try make a new baby pa," positibong pahayag ni Amy.



Sa mga hirap na pinagdaanan lately ni Amy ay taimtim na pagdarasal daw ang kanyang ginagawa. Malaki rin ang pasasalamat niya dahil sa suportang ipinakita ng kanilang pamilya ni Carlo at ng mga kaibigan nila.

"Sobrang nakakataba ng puso. Ang daming nagpadala ng e-mail, madaming nag-text na talagang praying for me. Maraming, maraming salamat po," sabi ni Amy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon kay Amy, kahit kailanman daw ay hindi niya tinanong ang Diyos kung bakit nangyari ang bagay na ito sa kanya.



"I've learned na hindi na magtanong nang ganun and just to understand and see the lesson kung bakit kailangang mangyari ito. Lahat naman tayo, kumbaga, may mga pain na pinagdadaanan and we are just being tested by God," paliwanag niya.



Ano namang lessons ang natutunan niya after this tragedy?



"Siguro for us to wait for the right time. For us to really see kung matibay at matatag ang pagmamahalan namin ni Carlo. And to trust the Lord that I know He will give this to us naman in time," ani Amy.



PAGTIBOK NG PUSO. What makes you stay in your relationship with Carlo and to fight for your relationship?



"Simply because we love each other," sagot ni Amy. "Siguro, ten years na hindi tumitibok nang ganito kasarap at kasaya ang puso ko. So siguro naman may karapatan akong maging masaya, and I'm thankful that Carlo is giving me that right now. Masaya ako sa kanya, masaya kami together. Sabi ko nga, nothing is going to break us apart."



Dagdag pa niya, "So we will live so happy together and 'yong pamilyang gusto naming buo, bubuin pa rin namin 'yon. Maybe not this year or maybe next year. Saka nag-usap na kami, his [Carlo's] uncle is helping us regarding the case. If maayos, may mga plano kami sa aming magiging pamilya."

(Ang tinutukoy na "case"ni Amy ay ang annulment na hiningi niya sa korte na na-deny. Sa legal, kasal pa rin si Amy kay Brix bagamat inabandona na siya at ang anak niya ni Brix may mahigit limang taon na ang nakakaraan.)

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Amy pagkatapos niyang isalang sa The Buzz. Tinanong namin si Amy kung ilang buwan na ang bata sa sinapupunan niya nang makunan siya at kung ano sana ang balak nila ni Carlo sa anak nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ten weeks, so hindi pa siya buo," sabi niya. "Kaya wala pa kaming napag-usapan ni Carlo tungkol doon kasi ang gusto niya, pag-uusapan namin ito kung malaki na ang baby. Siyempre, napag-uusapan namin ang paraan ng pagpapalaki sa kanya, ang kanyang pag-aaral, at ang pangarap namin sana sa kanya."

Dagdag pa ni Amy, "Wala pa naman kaming naiisip na pangalan. May mga iniisip-isip na kami, pero hindi pa 'yon ang mga final. Ang gusto sana ni Carlo ay babae, 'yon ang gusto niyang panganay, babae. Kasi mas malambing sa daddy ang babaeng anak, di ba?



"Kay Adi naman, lalaki ang gusto ng anak ko. Ako naman, kahit na ano, as long as healthy at maayos," aniya pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN