Gian Magdangal denies using cousin Jolina Magdangal to be famous


Gian Magdangal has been in the entertainment industry for seven years but it is only now that people are starting to recognize his talent for singing.



Natatawa na lang ang young singer na si Gian Magdangal sa mga naririnig niyang ginagamit lang daw niya ang pangalan ng kanyang second cousin na si Jolina Magdangal para magkaroon siya ng ingay sa showbiz.



Ayon kay Gian, na nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last February 4, pitong taon na raw siyang kumakanta sa entablado, pero never daw niyang naisip na gamitin ang name ni Jolina. Nakapasok daw siya bilang finalist sa Philippine Idol na hindi niya nababanggit na kamag-anak niya si Jolina.



"It's so funny kasi kung gusto kong gamitin si Jolina, sana noon pa, di ba?" natatawang sabi ni Gian. "Bakit ko pa pinaabot ng pitong taon? Sana hindi na ako nagtiyagang mag-theater at sumali sa isang grupo kung ang goal ko lang is to use my cousin's name. That's so unfair kasi kung ano ang narating ko ngayon is because of the talent that God has given me."

Pagkatapos maging runner-up sa Philippine Idol ay mainstay na ngayon si Gian sa SOP ng GMA-7. Sa "Four Men Only" segment ng nasabing Sunday musical variety show ay kasama ni Gian sina Dingdong Dantes, Jay-R, at Dennis Trillo. Sabi ni Gian, hindi na raw siya nailang nang pumasok siya sa SOP dahil matagal na niyang kilala ang lahat ng kasama niya sa "Four Men Only" segment, bukod pa sa co-host din sa show ang pinsan niyang si Jolina.



"Matagal ko nang kilala sina Dingdong at Jay-R. Si Dennis naman, pareho kasi kaming nag-work sa Smart Telecommunications. Kaya nuong magkita-kita kami sa first-day rehearsal ko with them, okay na kaagad. May instant bonding kami kaagad," masayang kuwento ng binata.



"And I love our segment. We get to sing the songs na magugustuhan ng marami. We all dance and sing kaya it's a group effort talaga na pagandahin ang segment namin," aniya pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Natutuwa si Gian dahil in-absorb siya ng Kapuso Network after ng Philippine Idol, na ipinalabas noon sa ABC-5. Wala na rin daw siyang balita kung ano na ang nangyari sa Philippine Idol winner na si Mau Marcelo, sa runner-up ding si Jan Nieto, at pati na sa ibang naging finalists ng reality-based singing contest.



"I don't know kasi what are the plans of Tita Sandra [Chavez of Artist House] and ABC-5. So far, ang alam ko ay yung sa akin lang. I might do an album soon and I'm writing a few songs for it. Right now nasa SOP ang concentration ko," sabi ni Gian.



Samantala, sinabi rin ni Gian na wala pa rin siyang lovelife ngayon after ng breakup niya with young actress Aiza Marquez. Hopefully raw ay magkaroon siya ng girlfriend ulit para mas inspired siya sa pagsusulat ng mga songs.



"Mga crushes ko na lang ang mga inspiration ko ngayon. And they are Joyce Jimenez and KC Concepcion!" nagba-blush na sabi ni Gian bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN