Dingdong Dantes confident that he will not be a "frozen delight"


Dingdong Dantes reacts to a rumor that the GMA-7 management is disappointed with the performance of the soon-to-end fantaserye Atlantika, which he topbills.


Nakasuot ng blue na T-shirt na may print na "Atlantika" at naka-pantalon ng maong ang young actor na si Dingdong Dantes nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Naganap ito sa 10th anniversary presentation ng Master Showman Presents Walang Tulugan noong Sabado, February 3, sa Broadway Centrum.

Nandoon si Dingdong sa show ni Kuya Germs (German Moreno) with the other cast members of Atlantika para magpasalamat sa mga nanonood ng kanilang fantaserye sa GMA-7 na magtatapos na this week.

Bago isalang si Dingdong ay tinanong namin siya kung ano ang reaksiyon niya sa balitang magiging "frozen delight" siya pagkatapos ng Atlantika dahil dismayado diumano ang big bosses ng GMA-7 sa ratings ng pinagbibidahan niyang fantaserye. Ginastusan daw kasi ng malaki ang Atlantika, pero di nakatulong 'yon para humataw ito sa ratings.



"Well, we'll see," sabi niya. "Kung bibigyan nila ako uli, di ang ibig sabihin ay hindi lang ako hanggang doon. At saka in terms of performance naman ay ibinigay na namin lahat ang makakaya namin. So sigurado naman ako na hindi sila disappointed sa amin.



"Kung mayroong naging mali along the way, hindi na namin kasalanan 'yon. Yung ratings naman namin noong mga nakaraang araw, magaganda hanggang sa pagtatapos. Lahat ng mga highlights lumalabas na ngayon e," paliwanag pa ng binata.



Tungkol naman daw sa next project niya after Atlantika, "I have just to wait. Niluluto pa," sabi ni Dingdong.

GOING SEXY. Marami ang nakakapansin sa magandang pangangatawan ngayon ni Dingdong. Tuloy, kinukumbinsi ang young actor na mag-pose na sa sexy magazines. Makatutulong din daw ito upang lalong umangat ang kanyang career.

"Madali lang naman 'yon e. Pero ayoko namang gawin 'yon dahil napipilitan lang ako. Kumbaga, kung kinakailangan, why not? Pero kung dahil sa... I don't want it to be a desperate move. 'Yon lang sa akin," sabi ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I mean, pagdating ng panahon na kinakailangan sa istorya, bakit hindi, di ba? Kasi ako nagpo-pose na sa Hanford billboards, e. I have my underwear billboard so there's no reason para sabihin nilang hindi ako nagpapakita ng laman," paliwanag niya.

Pero ang point ng iba ay kahit image model si Dingdong ng underwear ay hindi naman ito nakitang nagsuot ng briefs o trunks sa pictorials.



"Wala namang nagta-trunks ngayon, e. Pero kung talagang kailangan ang ganun, bakit hindi? Kung kailangan sa isang project at makakatulong ang pagsusuot ko ng ganun, why not?" diin pa niya.



JUDY ANN SANTOS. Samantala, inamin ni Dingdong na masaya siya sa paggawa ng movie ni Judy Ann Santos together with Jolina Magdangal sa bakuran ng GMA Films. Matatandaang nagkatambal sina Dingdong at Juday sa dalawang pelikulang ng Viva Films—Akala Mo at Magkapatid, na parehong ipinalabas noong 2002.

"Oo, sobra!" excited na sabi ni Dingdong. "At least malalaman natin at nakikita ng mga tao na posible na mag-crossover ang isang taga-kabilang istasyon. Much more na it's Judy Ann Santos na makalipat sa GMA-7 kahit panandalian lamang e malaking bagay 'yon. And we welcome her with open arms."



Dagdag pa niya, "Natutuwa, at siyempre gaya ng sinabi ko, the viewers and the fans ay nagkaroon ng pag-asa na baka pwede uli kaming magkasama sa isang pelikula dahil nandito na siya. Hindi naman masama ang mangarap ulit."



Juday and Dingdong made a lovely team when they did two movies together. May balita pa nga na nagkakaigihan na sila noong mga panahon na 'yon.

"Hindi pa umabot sa ganoon [ligawan], pero she knew talaga kung ano ang nararamdaman ko sa kanya. Alam niya. 'Yon na lang 'yon, hanggang doon na lang," pag-iwas pa niya.

Ano naman ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang panliligaw niya kay Juday?



"Siguro hindi nagkaroon ng tamang pagkakataon," sagot niya. "Siguro sa oras dahil magkaiba kami ng ginagalawan, magkaiba kami ng istasyon. Hindi na rin nagkakatagpo masyado. So marahil 'yon ang mga dahilan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ngayon nga ay pareho nang maligaya sina Dingdong at Juday sa kani-kanilang lovelife. Si Dingdong ay may Karylle, samantalang si Juday naman ay may Ryan Agoncillo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN