Marian Rivera enjoys working with Jennylyn Mercado


"Wala po akong naging bad experience kay Jen, kahit po noong nililigawan pa ako ni Mark. Kapag nagkikita naman kami, nagpapansinan kami dahil wala naman kaming away ni Jen," says Marian Rivera about working with Jennylyn Mercado.



First time magkakasama sa isang project nina Marian Rivera at Jennylyn Mercado—dalawa sa naging malapit sa puso ng young actor na si Mark Herras—via Super Twins, ang pinakabagong drama-adventure series ng GMA-7.

Si Jennylyn ay naging girlfriend ni Mark for almost two years. Lumabas ang balita noon na hindi pa man daw nagbi-break sina Mark at Jennylyn ay nanligaw na ang binata kay Marian. Pero mariin itong itinanggi ni Marian, na nagsabing wala na raw sina Mark at Jennylyn nang manligaw ang young actor sa kanya.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa launching ng Super Twins na ginanap sa Metro Bar, West Avenue, Quezon City, kagabi, February 5. Kinumusta namin kay Marian ang unang pagkikita nila ni Jennylyn sa taping.

"Wala po, very friendly ang atmosphere sa taping namin," pahayag ni Marian. "Wala po akong naging bad experience kay Jen, kahit po noong nililigawan pa ako ni Mark. Kapag nagkikita naman kami, nagpapansinan kami dahil wala naman kaming away ni Jen."

Dagdag pa niya, "Tuwang-tuwa nga po ako nang sabihin ng manager ko [Popoy Caritativo] na may offer daw ang GMA-7, ito ngang Super Twins. Sinabi niyang makakasama ko raw si Jennylyn. Walang problema sa akin, sabi ko kay Popoy, dahil nagbabatian naman kami ni Jen kapag nagkikita kami."

Kuwento pa ni Marian, "Mas nakilala ko pa nga siya ngayon at ang Mommy Lydia niya, na napakabait din sa akin. Parang nagkaroon ako ng bagong mother kapag nasa taping kami."

Matatandaang bago umalis sina Mark at Jennylyn papuntang New York para sa taping ng I Luv NY ay may namamagitan na kina Mark at Marian. Nagbigayan pa nga sila ng gifts at nang nasa New York na si Mark ay tini-text pa rin nila ang isa't isa. Kaya ang tanong ng marami ay bakit hindi sinagot ni Marian si Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-realize ko po kasi, after na nanggaling si Mark sa New York, na mahal pa rin niya si Jennylyn. Ayoko namang makagulo pa sa kanila. At kahit nagkakausap pa rin kami noon ni Mark, hindi ko na siya talaga sinagot," paliwanag ni Marian.

Kung saka-sakaling manligaw sa kanya ulit si Mark, lalo na ngayong hiwalay na ito kay Jennylyn, may pag-asa kaya ang young actor?

"Hindi na po siya babalik dahil wala na siyang chance! Hindi ko na siya tatanggapin! Ayoko na po kay Mark," natatawang sagot ni Marian.

Nang tanungin naman kung na-realize din ba niya na napaka-playboy pala ni Mark, isang matamis na ngiti lang ang isinagot ng young actress.



Sa Super Twins ay ginagampan ni Marian ang papel ng ina ng mga batang sina Tin-tin (Ella Cruz) at Sha-Sha (Nicole Dulalia). Incidentally, sa bagong afternoon drama series na Muli ay mother role din ang natoka sa kanya. Hindi ba siya nagwo-worry na ma-typecast na siya sa mother roles, gayung napakabata pa niya?

"Isa pong big challenge sa akin ang gumanap ng mother role," sabi ni Marian. "Gusto ko rin naman pong mag-try ng ibang roles, hindi yung lagi na lang akong pa-tweetums."

Nilinaw ni Marian na bagama't panay sa GMA-7 ang shows niya ngayon ay hindi raw siya contract star ng Kapuso Network.

"But I feel blessed kasi kahit hindi ako contract star ng GMA-7, dalawang shows pa ang ibinigay nila sa akin—Super Twins at Muli," nakangiti niyang pahayag.

Ayon kay Marian, wala raw siyang ka-date sa Valentine's day. Baka nga raw may trabaho pa siya sa araw na ‘yon. Zero raw kasi ang lovelife niya at mas enjoy siya sa kanyang career.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN