Marvin breaks his silence about split with Pauleen


"You will always be my baby," says Marvin Agustin to his ex-girlfriend Pauleen Luna.


Kinumpirma nina Marvin Agustin at Pauleen Luna na hiwalay na sila. Matatandaang naghiwalay ang dalawa dahil hindi pabor ang mga magulang ni Pauleen kay Marvin. Ayon sa ina ni Pauleen na si Mommy Chat, ungentlemanly daw si Marvin.

Nitong nakaraang Linggo, February 4, kinuha ng S-Files ang panig ni Marvin tungkol sa isyu. Bagama't aminadong nahihirapan, tanggap naman ni Marvin ang desisyon ng mga magulang ni Pauleen. Sa nasabing panayam, walang anumang bahid ng pagka-dismaya kay Marvin.

Ani Marvin, "Kung ito yung magpapasaya not just for us but the people around us, e dapat naming gawin yun. Ako naman, siguro I guess we just have to wait for the right time. We are great friends. Masarap pa nga yung ganito ngayon dahil walang masyadong nagiging problema. We still get to talk to each other."

Inamin ni Pauleen sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na lumabas kahapon, February 5, na mahal pa rin nito si Marvin dahil ito ang kanyang kauna-unahang seryosong relasyon. Sinunod niya lang daw ang utos ng kanyang mga magulang kaya nakipag-break siya kay Marvin.

Ngayong natapos na ang maikli nilang relasyon, mayroong mensahe si Marvin para kay Pauleen: "You will always be my baby, alam mo 'yan. Maraming, maraming salamat. Para sa akin, mahabang-maikli. I am very happy that we have shared so many good things...moments. I will always be here."

Sa kabila ng malungkot na pangyayaring ito, malaki pa rin ang ipinagpapasalamat ni Marvin.

Sabi ng premyadong aktor, masaya siya dahil he has "a very supportive family, mga anak ko, healthy naman lahat. Sobrang dami ng blessings na binigay ng Diyos. Sabi ko, aalagaan ko talaga 'to."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN