Jennylyn admits that Patrick is already her boyfriend


"Oo, kami," Jennylyn Mercado says, confirming her romantic relationship with Patrick Garcia.


Sa wakas ay inamin na ng young actress na si Jennylyn Mercado na mag-on sila ni Patrick Garcia, sa press conference ng Super Twins kagabi, February 5, sa Metro Bar, West Avenue. Matagal na kasing haka-haka kung mag-on na ang dalawa dahil walang nagsasalita sa kanila.

Pero kagabi nga ay napilit din si Jennylyn na sabihin ang totoong estado ng relasyon nila ni Patrick. Ang hindi lang sinabi ng young actress ay kung ilang buwan na sila ni Patrick na, incidentally, ay kasama rin niya sa Super Twins.

"That's too much!" natatawang sabi ni Jennylyn. "Okay na nga yung sinabi ko, okay na yun. Wag na nating halukayin. Basta once and for all, yun na yung sinabi ko kanina."

Basta ang importante raw ngayon ay masaya siya ngayon.

"Happy naman ako sa takbo ng career ko, sa family ko, sa lahat," sabi ni Jennylyn.

Happy rin ba siya with Patrick?

"Oo naman!" mabilis niyang sagot.

Anong ugali ni Patrick ang nagustuhan ni Jennylyn sa boyfriend?

"Kasi he's a true gentleman. Mabait po siya talaga, sobrang sincere," nakangiti niyang pahayag.

Nang sinabi niya ang "true gentleman," hindi kaya pinatatamaan niya ang ex-boyfriend niyang si Mark Herras na a few weeks ago ay nakagalit niya?

"Ganun ba yun? Hindi ko alam, wala naman akong inaaano," depensa ni Jennylyn.

Sa guesting nina Jennylyn at Patrick sa Startalk last Saturday ay parang alangan si Patrick na sumagot tungkol sa kanilang relasyon.

"Nag-guest kami to promote Super Twins. Hindi naman namin ini-expect... Kaya ayun po, nabigla siya, nabigla po kami," pagtatanggol ng young actress sa boyfriend.

Kahit si Jennylyn ay tila hindi ganun ka-excited na pag-usapan ang relasyon nila ni Patrick.

"Paulit-ulit na lang kasi. Huwag na natin siyang pag usapan. Sinabi ko na nga na, oo, kami. Mas maganda siguro yung tahimik na lang," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Jennylyn na okay na sila ni Mark matapos ang alitan nila a few weeks ago. Pero sina Mark at Patrick ba ay okay na rin?

"Hindi sila nagkikita," matipid na sagot ni Jennylyn.

Hindi kaya magsapakan ang dalawa kapag nagkita?

"Hindi ganun si Patrick."

E si Mark?

"Hindi ko alam."

Sinabi rin ni Jennylyn na hindi aabot sa puntong kailangang ipagtanggol niya si Patrick dahil hindi naman ito papatol sa kahit na anong away dahil good boy raw ito. Wala rin naman daw dahilan para mag-away sina Mark at Patrick.

Magsisimula na sa Lunes, February 12, ang Super Twins. Bukod kina Jennylyn at Patrick, kasama rin dito sina Nadine Samonte, Dennis Trillo, Camille Prats, Marian Rivera, Cristine Reyes, Tanya Garcia, at ang mga child stars na sina Nicole Dulalia at Ella Cruz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN