Cristine Reyes leaves Artist Center but stays with GMA-7


Cristine Reyes did not renew her contract with GMA-7's Artist Center but remains a Kapuso, starring in Super Twins. The younger sister of Ara Mina also has a new manager now in the person of Malou Choa-Fagar.



Pinabulaanan ng young actress na si Cristine Reyes ang mga haka-hakang lilipat na siya sa ABS-CBN kung kaya't tinanggihan niya ang proyektong Majika noon at Asian Treasures ngayon.

Nagtapos na ang kontrata ni Cristine sa GMA-7 Artist Center ngayong February. Dahil dito'y napabalitang lilipat siya sa poder ni Boy Abunda ng Backroom Inc. at pagkatapos ay kay Dondon Monteverde naman. Parehong talent managers ng kapatid ni Cristine na si Ara Mina sina Boy at Dondon.

Hindi na pumirma ng panibagong kontrata si Cristine sa Artist Center at totoong lumipat na ng poder ang dalaga, pero hindi kina Boy at Dondon, kundi kay Malou Choa-Fagar, executive producer ng Eat Bulaga!

Sa press con ng Super Twins na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, at Dennis Trillo sa Metro Bar last February 5, nilinaw ni Cristine na kahit di na siya nag-renew ng kontrata sa GMA-7 ay di iiwan ang Kapuso Network.

"Hindi totoong lilipat ako," diin ni Cristine. "Ano lang siguro, noong una yung Majika may conflict. Yung sa Asian Treasures naman, nagkataong nasa Europe ako. Sayang naman yung Europe, hindi ba? Pero kung wala yung Europe na ‘yon, hindi ko tatanggihan ‘yon, kasi wala rin naman akong trabaho. Malaking programa ito with Robin [Padilla] and Angel [Locsin]. Kaya bakit ko naman ito tatanggihan?

"And besides, matagal ko na kasing gustong makapunta ng Europe kaya sinamantala ko na yung chance. Sayang din naman kasi e," sabi pa niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), na ang tinutukoy ay ang regalo ng Ate Ara ni Cristine na Europe trip nang mag-concert tour doon si Ara last year.

DEBUTANTE. Inamin din ni Cristine na hindi siya naging masyadong seryoso sa kanyang career before. Pero iba na raw ngayong 18 na siya.

"Ina-admit ko naman ‘yon before na parang wala akong pakialam talaga sa career ko at tumatanggi ako sa mga projects. Kung tutuusin, dapat marami na akong nagawang projects," ani Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Pero ngayon, na-realize ko na dapat talagang seryosohin ang trabaho dahil ito na yung gusto ko and nagma-mature na ako. Kumbaga, kaya mas naiisip ko ‘yon. Dati kasi, mas bata pa ako at iba pa ang aking way of thinking.

"Ngayong 18 na ako, dapat lang na maging mas seryoso ako sa career ko. I just turned 18, mas nakakapag-isip-isip na ako and naka-focus na talaga sa trabaho." (Cristine turned 18 last February 5.)

Dagdag pa niya, "Right now, sabi ni Tita Malou, tingnan muna naming itong Super Twins. After that, saka na lang niya titingnan ang mga projects na dapat sa akin. Sa ngayon, hahanapan niya muna raw ako ng voice coach para ma-improve yung singing ko."

ACCELERATED. Ikinuwento rin ni Cristine ang pagkaka-accelerate niya kaya plano ng dalaga na kumuha ng Theater Arts sa University of the Philippines. Pero sa tingin niya raw ay malabong mangyari ito this year.

"Hindi pa ako nag-graduate ng high school. Na-accelerate ako sa NETRC sa Dep Ed [Department of Education]. Kasi 2nd year ako, nag-home study, papunta na ng 3rd year. Kaso, hindi ko natapos dahil may Darna ako that time. So nag-take ako ng test, ngayon ay na-accelerate na ako sa college," very proud na sabi ni Cristine.

(Ang NETRC ay acronym ng National Education Testing and Research Center, ang research at testing arm ng Department of Education.)

CHALLENGING ROLES. Sinabi pa ng dalaga na gusto niyang gumanap ng mga challenging roles para mas maipakita ang kakayahan niya bilang aktres.

"Dream role? Yung autistic siguro. Gusto ko kasi yung mga challenging roles. Pero kahit hindi autistic, basta challenging talaga ay okay sa akin," sabi ni Cristine.

"Sa Super Twins, gagampanan ko ang papel na sunud-sunuran kay Dennis dahil may crush ako sa kanya. May power din ako rito bilang kontrabida nina Jennylyn at Nadine," kuwento pa ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinahayag din ni Cristine na mayroong offer sa kanila ni Mark Herras na gumawa ng isang digital film na may titulong Sapi. Kaya lamang ay masyado raw daring ito at maraming mga bulgar na dialogues na ibabato si Cristine. Pero kung mare-revise daw ang script ay posibleng tanggapin niya ang naturang proyekto dahil kakaiba ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN