Richard Gomez: Goodbye showbiz, hello politics


Actor Richard Gomez pursues his political ambition by running as senator under the adminitration ticket.



Tuloy-tuloy na ang pagpasok ni Richard Gomez sa pulitika dahil sa darating na Linggo, February 11, ay pormal na siyang magpapaalam bilang co-host ng S-Files.



Iiwanan na rin ni Richard ang sitcom na Lagot Ka, Isusumbong Kita dahil kailangan na niyang paghandaan ang pangangampanya para sa kanyang senatorial bid. Kumpirmado nang sa unity ticket ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kabilang si Goma.

Lumitaw na rin sa major roads ng Metro Manila ang mga solo billboards ni Richard na may kinalaman sa unity.

Ito ang ikalawang pagkakataon na tatakbo si Richard. Noong 2004 elections ay isa si Richard sa candidates ng MAD para sa Party List Representative, at bagamat nakakuha ng mahigit sa sapat na boto ang MAD, ito naman ay na-disqualify bilang party-list group.

Last year ay naging malakas ang usap-usapan na tatakbo nga si Richard, ngunit hindi bilang senador kundi bilang governor ng lalawigan ng Bulacan. Pagpasok ng 2007 ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin nang nagdesisyon ang multi-awarded actor na tumakbo sa national election. Pinapalagay ni Richard na mas malakas ang tsansa niyang manalo sa national level, where name recall counts, kumpara sa local election, where a solid connection with the voters counts.

Kilala si Goma bilang isa sa mga masugid na taga-suporta ni dating Pangulong Joseph Estrada. Sa katunayan, naging prominenteng pigura siya sa mga political rallies na sumusuporta kay Erap at bumabatikos kay Gloria.

Kaya nagulat ang marami sa hakbang ng actor-TV host na umanib sa administration ticket ngayong darating na May elections.

Ayon naman kay Goma ay nagpaalam muna raw siya kay Erap bago lumipat sa puwersa ni Gloria. Ang problema'y walang maibigay na slot si Erap kay Goma dahil sa tindi ng mga gustong tumakbo sa Opposition ticket sa darating na May elections. Ang sinaniban ni Goma ay ang Nationalist People's Coalition (NPC), kung saan ang real power ay si Danding Cojuangco, ang businessman-politician na namamangka sa kampong Erap at kampong GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ang aalisan niyang S-Files ay ang show kung saan co-host siya mula pa 2002. Dito na rin siya nahasa ng hosting skills. Di na rin tinanggap ni Goma ang Asian Treasures. Dito ay siya ang original choice na gumanap sa papel na ginagampanan ngayon ni Marvin Agustin as the main villain of Robin Padilla and Angel Locsin. Klarong mas malakas ang hatak ng pulitika kay Richard Gomez ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN