Ara Mina bonds with sister Cristine Reyes in videoke bar


Sisters Ara Mina and Cristine Reyes are much closer now after their much-talked about rift early last year.



Naging saksi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kung gaano ka-close ngayon si Ara Mina at ang younger sister niyang si Cristine Reyes.

Noong Lunes, February 5, right after ng press conference ng Super Twins ng GMA-7 sa Metro Bar, West Avenue, biglaang nagkayayaan sina Cristine at ilang mga kaibigan na mag-videoke dahil nagkataong 18th birthday ni Cristine nung araw na ‘yon.

Tumuloy ang grupo sa Music Match Family KTV sa Tomas Morato corner Scout Limbaga sa Quezon City para magkantahan.

Hindi pa kasi sure kung kailan ang debut party ni Cristine dahil hinahanapan pa ito ng schedule. Sunud-sunod kasi ang tapings ng young actress kung kaya't nagkaroon ng bigla at ‘di planadong selebrasyon ng kanyang kaarawan that night.

Makalipas ang ilang oras ng kasiyahan, biglang bumukas ang pinto ng cubicle ng grupo sa Music Match Family KTV at bumungad si Ara na nanggaling pa sa taping niya ng Bubble Gang.

After makipag-beso sa lahat, naupo na si Ara sa tabi ni Cristine. In between singing, walang humpay na nagtsikahan ang magkapatid.

Nag-stay si Ara hanggang matapos ang videoke-han at sabay silang umalis ni Cristine. Kitang-kita sa mukha nina Ara at Cristine na happy sila na kahit biglaan ay nagkaroon sila ng time to bond.

Ipinakita rin naman ni Cristine ang suporta sa kanyang Ate nang mag-concert si Ara last Saturday sa Araneta Coliseum.

Last year naman ay isinama ni Ara si Cristine sa kanyang concert tour sa Europe. Doon ay nag-bonding din nang husto ang magkapatid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN