Ai-Ai delas Alas talks about taxes and politics


"Kasi totoong nagbabayad ako...Yung iba, press release lang!" jokes comedienne Ai-Ai dela Alas about paying her BIR dues on time.


Sa dami na ng mga naipundar at naipon ng comedienne na si Ai-Ai delas Alas mula sa kanyang mga kinita sa showbiz, maayos naman niyang naaasikaso ang mga bagay-bagay ukol sa kaperahan. Kabilang na rito ang pagbabayad niya ng tamang buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

"Kasi, totoong nagbabayad ako...Yung iba, press release lang!" nagbibirong sabi ni Ai-Ai sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

"Hindi, magaling lang kasi ang accountant ko," pahabol niya.

Sa usaping pulitika naman ay may mga kumukumbinsi kay Ai-Ai na tumakbong konsehala sa Tondo, kung saan marami siyang natutulungan bilang isang private citizen. Inamin ni Ai-Ai na in-entertain niya ang idea na ito. Pero at the end of the day, naisip niyang kahit wala siya sa puwesto, puwede pa rin siyang maglingkod at tumulong sa mga nangangailangan. Nagbiro pa nga si Ai-Ai na kapag naging politician siya, baka matuto lang siyang mangurakot.

Kasama ni Ai-Ai si Ogie Alcasid sa concert na Love to Laugh na gaganapin sa February 13 and 14 sa Music Museum. Balik na naman ang multi-media star sa entablado to prove na siya ang nag-iisang Comedy Concert Queen, bukod pa sa pinakasikat na babaeng komedyante sa local showbiz.

Ani Ai-Ai, "Una, nagpapasalamat ako sa blessings, lalo na sa Diyos. At pangalawa, siguro destiny ko talagang maging ganito. Pangatlo, kasi mahal ko naman ang trabaho ko."

Dagdag niya, "Kailangan talaga original ka, e. Sabi nga nila, original is the best. 'Pag gumagaya ka lang, hindi solido. Mas solid talaga kapag ikaw ang nagpasimula."

Ayon pa kay Ai-Ai, wala pa siyang nakikitang papalit sa kanya. Bawat isa raw ay may sari-sariling identity kaya walang pwedeng sabihing si ganito ang papalit kay ganitong artista.

Paliwanag ni Ai-Ai, "Kasi naniniwala naman ako na lahat, even Tito Dolphy, walang papalit kay Tito Dolphy kahit sino. Vilma Santos is Vilma Santos. Nora Aunor is Nora Aunor. Walang papalit talaga, may kanya-kanya tayong identity."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN