Carmina Villarroel loves working with real-life partner Zoren Legaspi


Carmina Villarroel says it's easier for her to act with real-life partner Zoren Legaspi.



Mas madali para sa actress-TV host na si Carmina Villarroel kapag magkasama sila ng kanyang live-in partner na si Zoren Legaspi sa trabaho. Gaya na lamang sa Princess-Charming ng GMA-7 kung saan mag-asawa ang papel na ginagampanan nila.

"Mas madali!" bulalas ni Carmina. "Yung kapag may beso ‘tsaka smack na ganyan, mas madali yung motivation para sa amin. So thankful naman ako kasi pinagkatiwalaan ulit kaming dalawa na magsama. Bihira lang yung partners in real life talaga tapos pinagtatambal sa TV."

Kailan ulit siya gagawa ng pelikula?

"Last movie ko pa yata, Mano Po 2 [2003], that was my last. Aside from wala namang masyadong offer, wala din naman akong time kasi apat yung shows na ginagawa ko. Halos wala na nga akong time, tapos may mga anak pa ako. Pero magpe-pelikula pa rin naman ako, why not?" sabi ni Carmina, na napapanood regularly sa SiS, Nuts Entertainment, at Princess-Charming ng GMA-7 at Day Off sa QTV 11.

Kahit may nag-e-encourage kay Zoren na tumakbo sa pulitika, nakikita ni Carmina na sa showbiz nakatutok ang atensyon nito—sa pagiging artista at direktor.

"Kahit hindi ka naman public servant, kung ang gusto mo naman talaga ay makatulong, we can help naman in our own little way. We can donate to this hospital, whichever. Yun naman ang ginagawa namin talaga," pahayag ni Carmina.

Si Carmina ba mismo ay walang planong maging pulitiko, tulad ng kaibigan niyang si Aiko Melendez na isang konsehala sa Quezon City?

"Hindi ko kaya!" tili niya. "Saludo talaga ako sa kumare ko, hanggang support na lang ako sa kanya to death. Lagi ko ngang sinasabi sa kanya, ‘Paano mo ito kinakaya, Mare?'"

Sa kabila ng pareho nilang pagiging abala nila ni Aiko, regular pa rin daw ang kanilang komunikasyon bilang matalik na kaibigan. Matatandaang magkakasabay na nagsimula sa showbiz sina Carmina at Aiko, kasama si Ruffa Gutierrez, bilang bagong "Underage" ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN