Ai-Ai leaves for Hong Kong with her "love"


Comedienne Ai-Ai delas Alas still cannot decide on whether she will renew her contract with ABS-CBN or not.


Katatapos lang ng kontrata ng premiere comedienne na si Ai-Ai delas Alas sa ABS-CBN, pero hindi pa siya sigurado kung pipirma siya ulit sa Kapamilya Network. Pag-uusapan pa raw nila ito ng manager niyang si Boy Abunda.

"Iniisip ko kasing mas mabuti yung hindi ako nakatali. Madali akong makatanggap ng offers, lalo na ng mga paggi-guest sa mga concerts. Tulad ngayon na ang daming Valentine shows," pahayag ni Ai-Ai sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last February 6 sa Klownz Araneta, ang comedy bar na pag-aari nila ng kaibigang si Allan K.

"Noong mayroon akong Bituing Walang Ningning at nasundan pa ng paggi-guest ko sa Super Inggo, hindi ako basta makaalis kung hindi kami mag-a-advance tapings. Saka wala pa namang offer sa akin na bagong project, kaya mga shows muna at movies ang pagkakaabalahan ko ngayon. Nakakatanggap din ako ng movie offers sa ibang production dahil wala naman akong contract sa Star Cinema," sabi pa niya.

MOVIES & CONCERTS. Speaking of movies, ayon kay Ai-Ai ay malapit na raw matapos ang shooting ng pelikula niyang Ang Cute ng Ina Ko sa Viva Films, kung saan kasama niya sina Anne Curtis at Luis Manzano, at si Wenn Deramas bilang direktor.

"May dalawa pa akong tinanggap na movies," sabi pa ni Ai-Ai. "Hindi ko pa lang alam ang title, pero pareho naming pagsasamahan ni Rufa Mae Quinto at ididirek pa rin ni Wenn Deramas. Yung isa, sa Viva Films pa rin. Tapos yung isang pa, sa OctoArts Films naman."

Masaya ring ibinalita ni Ai-Ai na soldout na ang tickets sa two-night concert nila ni Ogie Alcasid sa Music Museum na Love to Laugh on February 13 and 14. Ito raw ang dahilan kung kaya't hindi pa man sila nagsu-show ni Ogie ay naka-schedule na ang repeat ng Love to Laugh on March 9 sa Aliw Theater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa February 16 naman ay guests naman sila ni Ogie sa post-Valentine concert nina Rufa Mae at Erik Santos na When Erik Met Rufa... The Repeat to the Max! sa Aliw Theater.

"Sabi ko sa mag-sweetheart [Rufa Mae at Erik], ilagay nila ako sa gitnang portion ng show dahil may sarili akong post-Valentine concert dito sa Klownz. Kaya pagkatapos ng numbers ko dun, tuloy na agad ako rito. Dito naman, sanay na ang mga customers na late na talaga kami nagsu-show," kuwento ni Ai-Ai.

Ai School Musical ang title ng post-Valentine concert ni Ai-Ai sa Klownz Araneta. Special guests daw niya si Mark Bautista at ang dance group na Maneouvers.

"May dance revolution ako from the '50s to the present. Ewan ko, kayanin ko kaya yung 20 minutes na non-stop dancing?" natatawa niyang tanong.

GYM BUFF. Para makundisyon si Ai-Ai, three times-a-week daw siyang nagpupunta ng gym at nagba-badminton. Weightlifting ang ginagawa niya sa gym at tumatagal daw siya roon ng one-and-a-half hours. Ang international singer na si Madonna raw ang naging inspirasyon niya para magpaganda ng katawan.

"Naloka kasi ako nang mapanood ko si Madonna. Forty-six years old na siya, pero nagbi-break dancing pa sa concert niya! Sabi ko, kaya ko ring gawin ‘yon dahil 42 pa lang naman ako. May diet din ako pero kailangan kong kumain ng food na may carbohydrates para ma-burn ko kapag nagdyi-gym ako," natatawang pahayag ni Ai-Ai.

Hindi rin ikinaila ni Ai-Ai na nagpa-smart lipo siya kay Dra. Vicki Belo last August 2006. Nag-promise daw sa kanya si Dr. Belo na pagagawan siya ng billboard by middle of this year as endorser ng Belo Group of Companies.

ANG TANGING INA. Kasama ni Ai-Ai that afternoon sa Klownz Araneta ang mga anak niyang sina Sancho, Sean Nicolo, at Sofia.

Si Sancho ay 17 years old na at magga-graduate na ng high school sa La Salle Greenhills. Nakapasa raw sa entrance exam si Sancho sa UST kung saan kukuha siya ng course na Business Management, major in Advertising. Si Sean Nicolo, 13, ay Grade VI naman sa Community of Learners samantalang ang bunsong si Sofia, 10, ay Grade V sa Miriam College.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napaka-blessed ko dahil mababait ang mga anak ko," pagmamalaki ni Ai-Ai. "Si Sancho, ipinakilala ko na rin nang personal ang papa niya—si Rey Marte, na nakasama ko noon sa stage. May girlfriend na rin si Sancho, pero alam niyang ang first priority niya ay ang pag-aaral. Sabi ko sa kanya, kapag nagkamali siya at nabuntis niya ang girlfriend niya, sige, tuloy ang studies niya. Pero magtatrabaho na siya dito sa Klownz para ibuhay niya sa kanyang pamilya."

Ngayon ay may time na rin daw si Ai-Ai na magbakasyon.

"Yes, aalis ako pagkatapos ng concert ko sa Klownz, sa February 17," excited na sabi ng comedienne. "Sa Hong Kong lang naman ako pupunta, kasama ang love ko. Kasi katatapos din lang ng show na idinirek niya sa Channel 2. Baka five days din kami doon."

Ang "love" na tinutukoy ni Ai-Ai ay ang ABS-CBN female director na matagal na niyang karelasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN