"Kapuso Mo, Jessica Soho" apologizes to Rita Avila


The staff of Kapuso Mo, Jessica Soho releases an official statement regarding Rita Avila's complaint.



Nagbigay na ng kanilang panig ang GMA-7 show na Kapuso Mo, Jessica Soho hinggil sa naudlot nitong panayam sa aktres na si Rita Avila para sa feature sana nitong "The Psychology/Therapy of Dolls."

Sa ulat na nailabas ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, February 6, isinalaysay ni Rita ang ginawa diumano sa kanya ng staff ng show ni Jessica Soho. Ayon kay Rita, tinawagan diumano siya ng staff ng Kapuso Mo para ma-interview sa feature nila na may kinalaman sa mga manyika.

Alam ng lahat kung gaano kalapit ang aktres sa tatlo niyang mga manyika na sina Mimay, Popoy, at Pony. Parang mga tunay na anak na nga ang turing ni Rita sa mga ito, lalo pa't pagkatapos maghintay nang matagal na panahon upang mabuntis ay nakunan ang aktres last year.

Kahit biglaan ang pag-iimbita ng staff ng Kapuso Mo, nagpaunlak pa rin si Rita at nagmadaling binihisan ang tatlo niyang manyika. Pagdating sa napagkasunduang lugar ng interview, wala raw ni isa mang staff ng show ang sumipot.

"Hindi ko na inalam kung ano ang excuse nila! Ang gulu-gulo nila... Kaya nga kami excited na lumabas sa show dahil doon malilinawan ang iniisip ng mga tao sa akin sa pag-aalaga ko sa mga manyika ko. Kaya I'm very sensitive now. I made efforts, physical and emotional. Tapos, ni ha, ni ho, wala silang abiso o kaya paliwanag!" galit na galit na sabi ni Rita sa panayam ng PEP.

Sa pamamagitan ng telepono ay nagbigay ng opisyal na pahayag ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa PEP kaugnay ng nasabing insidente:

"We apologize to Ms. Rita Avila. We had a logistical problem. Our crew was on the way to the appointment coming from another shoot. We were coordinating with Ms. [Malou] Choa-Fagar [Rita's manager] to ask Ms. Avila to wait for a few more minutes but Ms. Choa Fagar texted us that Ms. Avila already left.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"According to our contact in the supposed venue of the interview, Ms. Avila left ten minutes after she arrived. While these things were happening, we were coordinating with Ms. Choa-Fagar. So, it's not true that it took us many hours to respond to them. Ms. [Jessica] Soho, upon knowing what happened immediately called Ms. Choa Fagar to apologize to her and to Ms. Avila. Again, we apologize to Ms. Avila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN