Keanna Reeves mesmerized by John Lloyd Cruz


"Ang gwapo at magaling pang umarte! Napapanganga talaga 'ko kapag magka-eksena kami," says Keanna Reeves about John Lloyd Cruz.



Sa ikalawang pagkakataon ay muling namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sexy star na si Keanna Reeves sa loob ng Robinsons Galleria last Tuesday afternoon, February 6. Sinamantala na rin namin ang pagkakataon upang tsikahin siya.

"Malapit lang kasi ang condo unit ko dito," banggit ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition winner, na bakat ang magandang hubog na katawan sa black nitong kasuotan with matching dark shades.

Kinumusta namin kay Keanna ang boyfriend niyang si Sofian, isang French model, na ayon sa sexy star ay kasalukuyang nasa Italy.



"Ay naku, sisingilin ko siya sa pagdating niya sa Valentine's day!" natatawa niyang sabi. "Magbabayad siya nang mahal dahil wala siya noong Pasko at solong-solo ako noong New Year kasi di rin siya dumating. Basta kailangan pagbayaran niya ang kanyang pagkukulang."

Nang linawin namin kung anong "paniningil" ang gagawin niya kay Sofian, tumawa muna nang malakas si Keanna bago sumagot.



"Basta, sisingilin ko siya!" aniya. "Marami ang kulang. Sinunod ko siya, nagburo lang ako sa bahay kasi palagi siyang nagtse-check-in [sic] sa akin. Wala akong gimik. Ngayon lang ako nakalabas. Puro taping lang ako..."

Ayon kay Keanna, gustung-gusto siya ng kanyang foreigner boyfriend dahil sa pagiging maalaga niya at pagiging "totoong tao." Naaalala raw kasi ni Sofian ang kanyang ina kapag inaalagaan siya ni Keanna.



JOHN LLOYD CRUZ. Sa iba pang tsikahan, napag-usapan din namin si John Lloyd Cruz na kasama ni Keanna sa teleseryeng Maging Sino Ka Man ng ABS-CBN.

"Ang gwapo at magaling pang umarte! Napapanganga talaga 'ko kapag magka-eksena kami," pahayag pa ni Keanna tungkol kay John Lloyd.



Hindi ba siya "nagte-take advantage" kay John Lloyd sa mga eksena nila sa Maging Sino Ka Man, lalo pa't hindi naman inililihim ni Keanna na crush niya ang young actor?

"Wala. Wala akong pagnanasa, pero may pahawak-hawak!" tawa niya.

"Biruan lang naman kami sa set kasama si Smokey [Manaloto]. Biruan lang sa set kasi si John Lloyd, may ano siya, may sense of humor. Oo malakas din yung sense of humor niya e, si Smokey pa, tapos ako—puro kami mga komedyante kaya tawanan nang tawanan sa set kahit drama ang ginagawa namin," kuwento pa ni Keanna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Naikuwento rin ni Keanna nang minsan silang magkita ni John Lloyd sa Embassy bar. Kasama raw that time ni Keanna si Sofian samantalang kasama rin ni John Lloyd ang girlfriend nitong si Liz Uy (associate fashion editor ng Preview magazine).

Kuwento ni Keanna, "Siyempre, beso-beso ako. Sabi ko kay Sofian, ‘Sikat 'yang si John Lloyd. Sila yung bida doon sa soap opera na kasali ako.' Tuwing mapapatingin ako kay John Lloyd na hindi ko sinasadya, medyo nagagalit [si Sofian]... Pero hindi naman nagalit...Bakit daw nadi-distract ako—kwento nang kwento si Sofian sa akin tapos doon ako nakatingin kay John."

Dagdag pa niya, "Tapos na-realize ko na nakakahiya kay Sofian. Pero hindi ko naman sinasadya kasi nakatingin lang ako kay John Lloyd dahil ang ganda ng suot niya noon. Kaya pagkakita ko kay John sa taping, ikinuwento ko sa kanya yung nangyari sa amin ni Sofian. Sabi naman ni John, ‘Ikaw naman kasi, kasalanan mo 'yan.' Sabi ko, hindi ko kasalanan. Bakit daw? Sabi ko, ‘Ang gwapo-gwapo mo kasi!'"

Bukod sa Maging Sino Ka Man, kasama rin si Keanna sa weekly sitcom na Aalog-Alog sa ABS-CBN pa rin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN