Polo Ravales to star in his first sexy movie


Polo Ravales will be the leading man of Diana Zubiri and Francine Prieto in a Seiko movie to be directed by Joel Lamangan.



Mukhang lilikha ng ingay ngayong 2007 ang sexy actor na si Polo Ravales pagdating sa pelikula dahil kumpirmado na ang first sexy movie niya as a leading man ng hindi lang sa isa, kundi dalawang sexy actresses—sina Diana Zubiri at Francine Prieto.



Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na confirmed na nga ang gagawing sexy-drama movie ni Polo under Seiko Films of Boss Robbie Tan. First time na gagawa ng pelikula si Polo sa naturang film outfit.



Suwerte ang sexy actor dahil ang dalawang pinapagpapantasyahang sexy actresses na sina Diana at Francine ang makakatambal niya. At huwag isnabin dahil hindi rin basta-basta ang direktor ng Polo-Diana-Francine Seiko movie—si Direk Joel Lamangan lang naman.



Wala pang final title ang movie dahil nasa pre-production stage pa lang ito.



Hindi lang ang naturang Joel Lamangan movie ang gagawin ni Polo this year dahil meron pa siyang Lihis, isang indie film project na kung saan ay makakasama naman niya si Victor Neri.

Sa direksiyon pa rin ni Joel Lamangan at mula sa script ni Ricky Lee, ang Lihis, ayon sa source ng PEP, ay may pagkakahawig sa kontrobersiyal na Kapit Sa Patalim ni Lino Brocka na ipinalabas noong 1985. Ang nasabing Lino Brocka film ang nagbigay ng ilang acting awards kay Phillip Salvador.



Socio-political drama ang Lihis at mapangahas na tatalakay sa mga buhay ng New People's Army (NPA) na may "lihis" na mga pagkatao kaya asahang may ilang adult undertone rin ang movie. Pero nilinaw ng source na hinding-hindi ito patterned sa anumang Hollywood movie.



"Lihis lang sa normal ang characters dito nina Polo and Victor. Tututukan mo dahil may social and political concerns nga ang movie na very Joel Lamangan ang dating," sabi ng aming source.



Ngayong wala na sa poder ni Direk Manny Valera si Jay Manalo na hinawakan din niya ng limang taon, hopefully, it's Polo's turn to shine under DMV's management as an actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Let's see kung mapapansin na ang acting ni Polo sa nasabing movie under Seiko at sa Lihis. Nakatrabaho na rin ni Polo si Direk Joel in the past para sa Regal Entertainment movies na Blue Moon at Manay Po, at sa stage play na Penis Talks 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN