Donita Rose wants two more babies


"I'm realizing now, after having one kid [PJ], it really takes a lot ofresponsibility to care for a child. I don't want to have so many kidsanymore so I'm thinking I'll go for two," says Donita Rose.



"Actually, before, gusto namin ng husband ko [Eric Villarama] ng tatlo or apat," pahayag ng dating MTV VJ na si Donita Rose tungkol sa bilang ng gusto nilang anak ng kanyang asawa. Naganap ang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Donita noong February 6 sa taping ng Homeboy ng ABS-CBN.

Dagdag pa ni Donita, "Pero pabawas nang pabawas kasi I'm realizing now, after having one kid [PJ], it really takes a lot of responsibility to care for a child. I don't want to have so many kids anymore so I'm thinking, I'll go for two. So magiging tatlo at siguradong hindi lalampas doon..."



Picture of a contended mother si Donita, who was in a black evening dress and as beautiful as ever, nang makita namin siya sa show ni Boy Abunda. Nandoon ang actress-TV host bilang surprise guest ni Heart Evangelista na magse-celebrate ng kanyang birthday sa February 14.



Ibinalita ni Donita na nag-quit na siya sa weekly cooking show niya sa GMA-7 na Mobile Kusina. Nagkukulang na raw kasi siya ng quality time sa kanyang pamilya, lalo na't lumalaki na si PJ na talagang nangangailangan ng atensyon ng isang ina.



Paliwanag niya, "Kasi I don't get to really spend that too much time with them kasi it's a weekly show."

Ayon pa kay Donita, hindi na siya babalik sa pagiging video jock kahit may offer sa kanya noon ang MTV Asia even after she got married.

"After I quit, yeah, I got offered again but I couldn't accept it," sabi niya. "Siyempre may asawa na ako, may anak na ako."

Idinagdag pa ni Donita na sa Singapore pa rin sila naka-base ng kanyang pamilya ngayon.



"My husband and son are still there and nandito ako ‘pag may mga projects. Pero dati, before when I was still in Mobile Kusina, I would be here every month. So one month here, go home for few days, come back for a month. Every month 'yon!" kuwento ni Donita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Pero ngayon, there's a new project that I'm doing. They allow me to tape for two weeks so I can take four episodes and then I can go home. So I'm here every two weeks na. Well, ngayon pa lang, the only offer that I'm accepting is this show called U Turn. It's a one-hour show on Channel 13 which will be launched in March," aniya pa.

Kailan naman nilang balak sundan ni Eric si PJ?

"I think in like two years," sagot niya. "Kasi gusto kong mag-ipon muna. Maging established financially ganun. So that's the role of a husband and a wife—to secure the future of our children first before we have more children."

Samantala, sinabi rin ni Donita na tinutulungan niya ngayon ang isang kaibigan sa international film nito.



"I'm still trying to help my friend with this international film, City of Contention, that I was working on before. It was supposed to happen last year. The funding fell through. There were people who were supposed to fund the film and then nag-backout sila. So my goal here is to find funding in Singapore. Sana matuloy na 'yong movie this year," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN