Rising child stars get their biggest break in "Super Twins"


Ella Cruz (left) and Nicole Dulalia (right) play the small versions of Nadine Samonte and Jennylyn Mercado in GMA-7's drama-adventure series Super Twins.



Masuwerte ang dalawang child stars ng GMA-7 na sina Ella Cruz at Nicole Dulalia dahil sila ang gaganap na mga batang Nadine Samonte at Jennylyn Mercado, respectively, sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Super Twins.



Kilala na ng marami si Ella na unang napanood bilang batang Angel Locsin sa telefantasya na Majika. Mula noon ay marami nang nilabasang shows sa Kapuso Network si Ella. Ilan sa mga ito ang Now And Forever Presents Duyan, Atlantika (bilang batang Valerie Concepcion), Mahiwagang Baul, at Magpakailanman.

Produkto ng "Little Miss Philippines" ng Eat Bulaga! si Ella.

Sa "Little Miss Philippines" din nagsimula si Nicole bilang regional grand finalist. Gumanap siyang batang Isabel Oli sa Atlantika at batang Camille Prats sa Captain Barbell. Siya rin ang gumanap na batang Johlan Veluz ng SexBomb at batang Alyssa Alano sa episodes ng Magpakailanman.



Magkasundo na raw sina Ella at Nicole bago pa man sila pinagsama sa Super Twins. Mahaba raw ang roles nila sa naturang programa dahil nakadepende sa kanila ang paglabas nina Jennylyn at Nadine.

Sa February 12 na magsisimula ang Super Twins. Kasama rin nila rito sina Dennis Trillo, Patrick Garcia, Camille Prats, Tanya Garcia, Ian de Leon, Marian Rivera, Gabby Eigenmann, Mura, at Tetchie Agbayani. Mula ito sa direksyon ni Dominic Zapata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN