Young singer Aicelle Santos still dreams of becoming a doctor


Pinoy Pop Superstar Season 2 runner-up Aicelle Santos has already brought recognition to the country when she won in the Astana Song Festival in Kazakhstan last year.



Pangarap pa rin ng Pinoy Pop Superstar (PPS) Season 2 runner-up na si Aicelle Santos ang maging isang doktor. Pero dahil sa itinatakbo ng kanyang singing career ngayon, malamang na tapusin na lang niya ang kanyang kursong B.S. Psychology sa Pamantasan Lungsod Ng Maynila (PLM), kung saan isa siyang full scholar.

Ito ang pahayag ng Claudine Barretto-lookalike na si Aicelle sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa re-launching ng Sunday musical variety show ng GMA-7 na SOP.



"Mine-maintain ko ang pagiging scholar ko kasi sayang naman," sabi ni Aicelle. "Nag-leave muna ako sa school noong nag-compete ako, pero nangako naman akong itutuloy ko yung course.



Dagdag pa niya, "Wala namang problema sa PLM kasi alam naman nila na may iba akong career ngayon. Tsaka before naman ako sumali ng PPS ay maganda ang mga grades ko kaya gusto ko pa ring ituloy ang scholarship ko kahit busy ako. Nasa third year na ako kaya one year to go na lang."



Sinimulan na ni Aicelle ang kanyang solo album for GMA Records. Sampung songs daw ang kasama rito at ang magiging carrier single nito ay ang revival song niya ng "A House Is Not A Home" ni Dionne Warwick.



Malaki raw ang nagawa ng pagwawagi ni Aicelle ng Best Performance of Own Country Song sa Astana Song Festival sa Kazakhstan last year kaya siya nagkaroon ng album. Siya nga lang daw ang Asian contestant na nakaabot sa final round ng nasabing song festival.



"Bale tatlo yata kami from Asia. Yung dalawa ay from Singapore and Indonesia. Ang Philippines lang ang nakaabot sa final round kaya proud na proud ako to represent the country," kuwento pa ni Aicelle.



Nang tanungin kung may boyfriend na siya, ngumiti lang si Aicelle at sinabing may close friend siyang lalaki ngayon. Obviously ay ayaw aminin ni Aicelle na may boyfriend siya. Kung anuman ang rason niya, siguro ay may kinalaman ito sa kanyang career o sa kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Regular na napapanood si Aicelle sa SOP at kasama siya sa segment na "World Stars with the R&B Royalties." Kasama niya sa nasabing segment sina Jonalyn Viray, Brenan Espartinez, Gerald Santos, Jay-R, at Kyla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN