Iza Calzado wants to follow in the footsteps of Ms Gloria Romero


Young actress Iza Calzado dreams of becoming the next Gloria Romero.



"Gusto ko talagang magtrabaho kaya it will depend kung kailan ninyo ako gustong manatili sa showbiz," pambungad na pahayag ng aktres na si Iza Calzado sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong February 3 sa taping ng Master Showman Presents Walang Tulugan sa Boradway Centrum.

"I like to be like Ms Gloria Romero na nagsimulang dalaga pa pero look at her now—still energetic and very much around. Actually, it's not just 'yong pagtanda niya, it's how people respect her. You know when people talk about Gloria Romero, they talk about how nice she is. How she doesn't say a word na hindi siya nagrereklamo, di ba? Inspiring. So nakakatuwa at saka kita mo naman hanggang ngayon, nagtatrabaho siya. That means a lot about her," papuri pa ni Iza sa legendary actress, na naksama niya sa pelikulang Moments of Love last year.



Sabi pa ni Iza, kahit mag-asawa na siya ay gusto pa rin nitong magtrabaho, maliban kung talagang kinakailangan na niyang mag-retire.

Inusisa rin namin kay Iza ang boyfriend niyang si Jerry Garcia na naka-base sa Los Angeles, Califronia.



"Right now he is an entrepreneur, pero ang main focus niya is talent management. Dalawang deejays ‘tapos isang band ang hina-handle niya. He tried making it in Hollywood but the band is based in Washington D.C.," kuwento ni Iza.



Kasama ni Iza ang kanyang non-showbiz boyfriend noong awards night ng Metro Manila Film Festival last December at marami ang nagsasabing they make a beautiful couple. Sinabi namin kay Iza ang obserbasyon naming mabuti pa siya dahil hindi siya gaya ng ibang artista na itinatago ang relasyon, lalo na kung hindi taga-showbiz ang boyfriend o girlfriend.



"Bakit mo itatago? Bakit mo itatanggi?" tanong niya.

"May pinag-aralan, maganda naman ang pamilya, gwapo naman, matangkad. Ay sus, macho!" natatawa niyang paglalarawan kay Jerry.

Dagdag pa ni Iza, "Bakit ko pa ide-deny, di ba? Parang ang sagwa naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nang tanungin kung may plano na silang magpakasal ni Jerry ay ngumiti muna siya bago sumagot. "'Yan ang idine-deny kasi wala pa talaga. Kung nand'yan na, the minute you ask me, I will say yes," sabi ni Iza.



"Walang plano talaga pero siguro this year he will move here. Di talaga ako makakadalaw sa kanya dahil sobrang busy ako. Kaya para palagi kaming magkasama at nagkikita, babalik na siya dito. Dito na siya maninirahan. 'Yon muna, step by step," paliwanag pa ng magandang aktres.

Sa ganda ng mukha at katawan ni Iza, wala pa bang nag-o-offer sa kanya na mag-pose sa isang sexy magazine?

"Meron pero hindi talaga e," sagot niya. "Wala naman, I just can't see myself posing for that. Nasa tao 'yan, kasi 'yong iba naman, very well educated, very smart. Like Asia Agcaoili is a very smart girl. Gusto niya e. Ako, hindi ko gusto.

"You shouldn't take it against the person or say something negative just because they posed. They posed there and it's a picture. You know for sure that there is a marketing strategy behind all that na whoever posed there ay magkakaroon ng boost sa kanyang career. Alam mo yun, like good publicity? So maganda siyang exposure, I understand," pagtatapos na niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN