Georgina Wilson to guest in Richard Gutierrez's new TV show?


Richard Gutierrez's girlfriend, model Georgina Wilson, might debut as an actress via her boyfriend's new TV show.



Tiyak na lalong aabangan ang bagong primetime series ni Richard Gutierrez sa GMA-7 na Lupin kapag natuloy na makasama sa cast ng show ang real-life girlfriend nitong si Georgina Wilson.



Saksi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kung paanong kinulit-kulit ng ate ni Richard na si Ruffa Gutierrez-Bektas si Georgina sa 65th birthday party ni Tito Eddie Gutierrez nuong Pebrero 6, para mapapayag itong lumabas sa bagong show ni Richard.



May tatlong female co-stars na si Richard sa Lupin—sina Katrina Halili, Rhian Ramos, at Ehra Madrigal—na gaganap na parang sidekicks niya na may gusto sa kanya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa naika-cast ng GMA-7 kung sino ang babaeng gaganap na true love ng karakter ni Richard sa nasabing action-adventure series.



Isa kami sa nag-udyok kay Ruffa na kumbinsihin si Georgina kaya tinawag niya ito sa mesa namin para kausapin. Hirit niya, "George, ikaw na lang ang partner ni Richard sa Lupin! You'll play his true love. Kesa naman ibang female stars pa diyan ang kunin, ikaw na lang, girl!"



Napangiti ang Fil-British girlfriend ni Richard sa sinabi ni Ruffa. Sabi nito, "I told Tita Annabelle [Rama] that I'll agree if she'll also be in the show. I'll join if she's joining. That's our agreement! Ha-ha-ha!"



Humirit din ang ina ni Richard na si Tita Annabelle na ka-table din namin: "Sige na, Georgina, pumayag ka na! Ako ang manager mo!"



Pakiramdam namin ay excited din ang magandang commercial model sa nasabing idea. Narinig namin ang linya niyang "I'm thinking about it" tungkol sa posibilidad ng pagpasok niya sa showbiz.

Medyo worried lang siya dahil hindi raw siya marunong umarte at hindi siya sanay magsalita ng Tagalog.



"You don't have to act because you'll play Richard's true love. E that's what you are naman in real life. So you'll just be playing yourself! Okay lang din na hindi ka marunong mag-Tagalog. Girl, e di mag-English ka!" patuloy na pangungumbinsi ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Isa pang inaalala ni Georgina, nakatakda siyang bumalik ng Australia sa March para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral doon kaya hindi niya kayang tumanggap ng regular na trabaho rito na iiwanan lang din niya kung sakali.

Katabi namin ng upuan si Redgie Acuña-Magno, program manager ng Lupin, kaya sumali na rin ito sa usapan. Ipinaliwanag nito kay Goergina na okay lang ‘yon dahil sa umpisa lang ng istorya lalabas ang babaeng true love ni Lupin. Mawawala ito at saka na ulit lalabas later on in the story, kaya kailangan niya lang munang mag-taping for at least two days.



Ani Tita Redgie, handa silang mag-adjust kay Georgina kung saka-sakaling papayag itong gumanap sa papel ni Angeli, ang tunay na pag-ibig ng bidang si Andrei Lupin (Richard). Baka posible raw na pagbalik ni Georgina for a short vacation from Australia ay saka ito ulit mag-taping.



Ang malaking tanong ngayon ay kung papayag si Richard na mag-artista ang nobya niya sakaling interesado nga itong mag-showbiz. Napansin ng PEP na parang hindi natutuwa si Richard na ang daming humihikayat kay Georgina na pasukin ang showbiz.

Nakikinig lang ito sa usapan at maya-maya ay nagdayalog ito kay Georgina ng, "I'll let you read the script, baby!" Pero hindi pa rin namin sure kung payag ito o kontra sa nasabing idea.



Sa February 17 ay nakatakdang umalis si Richard papuntang Amerika para sa kung tawagin niya ay "sanity vacation." Kasama niya ang nobyang si Georgina sa nasabing bakasyon. Sa March 4 na ang balik ng magkasintahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN