Dennis Trillo signs exclusive contract with GMA-7


Young actor Dennis Trillo is now a certified Kapuso, after signing an exclusive network contract with GMA-7.



Ganadong-ganadong magkwento ang young actor na si Dennis Trillo tungkol sa kanyang upcoming TV show na Super Twins, kung saan kasama niya sina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte. Ito ay dahil pinapirma na siya ng "exclusive network contract" ng GMA-7.

Three years ang pinirmahang kontrata ni Dennis sa Kapuso Network. Bago ang kanyang exclusive contract ay per project lang ang young actor sa GMA-7. Ngayon ay talagang masasabing certified Kapuso na si Dennis.



Sabi ni Dennis, "Napakaswerte ko na all out yung tiwala nila [GMA-7]. Magagandang projects yung ibinibigay nila sa akin. Ngayong taon, pinapirma na rin nila ako ng exclusive network contract kaya mas lalo akong ganadong magtrabaho."

Dagdag pa niya, "Feeling ko talagang in-accept nila ako e. Naramdaman ko yung pagmamahal na ‘Uy, dito ka lang, wag kang aalis dito. Gusto namin sa amin ka lang.' Yung security na yun, ang sarap ng feeling."



Isang bagong Dennis Trillo ang mapapanood sa Super Twins. Naikwento ni Dennis sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang mga naging preparasyon para sa nasabing drama-adventure series.



"Mas extra yung preparation. Binabasa ko ahead of time [yung script]. Mine-memorize ko pa by heart yung mga linya ko kasi kailangan yun. Hindi mo na iisipin yung kailangan mong gawin, mas natural lalabas pati yung acting mo," pahayag ng mahusay na aktor.



FIGHT MASTER. Sa Super Twins ay magsisilbing master ng mga batang sina Sha-Sha (Ella Cruz) at Tin-Tin (Nicole Dulalia) ang character ni Dennis na si Eliseo. Nag-aral pa si Dennis ng iba't ibang martial arts gaya ng wushu, kung fu, at capoiera para sa fight scenes niya rito.

Ani Dennis, "Tinutukan din ako nung trainer dahil kailangan yung stunts ko, pang-master kasi ako nga yung nagturo. So dapat alam ko. Kailangang ma-convince ko yung mga tao na alam nitong taong ito dahil ito yung master."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Para sa young actor, pinakamahirap na bahagi ng kanyang training ang pagha-harness. "Kasama yung harness training kasi hindi pwedeng basta kang isabak sa harness. Dalawang tali lang yung nagsu-support sa iyo. Kailangan ma-maintain mo yung balance talaga," paliwanag niya.



"Yung harness, mahirap. Meron dun yung umiikot-ikot lang ako na walang tigil. Nandun ka lang umiikot, walang pipigil sa iyo e. Hihintayin mong tumigil," aniya pa.

Dahil puno rin ng special effects ang Super Twins, may mga eksenang kailangang umarte ni Dennis na ini-imagine lang niyang may nangyayari sa kanyang paligid. Hindi raw biro ang umarte na wala siyang kaharap.



"Iniisip ko kahit kahit na walang nangyayari dun, kailangan mong i-act out talaga na naturally as meron. Dun mo makukuha yung believability ng tao e," sabi ni Dennis.



"Wag mong isipin na wala yun. Isipin mo, kahit wala siyang itinirang powers sa 'yo, kailangan mong maramdaman talaga. Para 'pag nilagyan ng effects, parang meron talaga," patuloy niya.



Hindi na rin bago para kay Dennis ang kanyang mga katrabaho sa Super Twins. Halos lahat kasi ng mga nasa cast ay nakasama na niya sa ibang projects.

"Ito na yung pinaka-comfort zone nito.Lahat sila mababait, professional. 'Pag nakikita ko yung taong nagtitiwala sa akin, mas ginaganahan ako," pagtatapos ng multi-awarded young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN