Richard Gomez joins Nationalist People's Coalition


Richard Gomez was sworn in by Rizal representative Michael John "Jack" Duavit, thus making the actor part of the pro-Arroyo bloc of the Nationalist People's Coalition.


Nanumpa na si Richard Gomez bilang ganap na kasapi ng Nationalist People's Coalition (NPC) noong Pebrero 6 sa Edsa Shangri-La Hotel. Pinangunahan ni Rizal representative Michael John "Jack" Duavit, secretary-general ng NPC, ang nasabing oath-taking.

Marami ang kumuwestiyon sa pagsapi ni Richard sa NPC na posibleng pumanig sa administrayon ngayong darating na May elections. Matatandaang inilaglag ng United Opposition (UNO) si Richard sa senatorial line-up nito dahil sa diumano ay puno na ang tiket nito.

Tinanong si Richard kung mayroon ba siyang sama ng loob sa pagkakalaglag sa kanya ng oposisyon.

"No regrets," sagot niya. "I'm happy now that I'm with the NPC. By that time, it was a presidential election. It was between President GMA [Gloria Macapagal-Arroyo] and FPJ [Fernando Poe, Jr.].

Dagdag pa niya, "At that time, I made a decision and I wanted to support FPJ because I really believe in the person. He would have been a good leader. He inspires a lot of people. But it's sad that he passed away."

Isinasantabi na rin niya ang pagkwestiyon sa legalidad ng pagkakaupo ni Pangulong Arroyo.

Aniya, "She's our President now. It's about time that we move forward. Wala na yung mga siraan. It's time to unite. Let's move on and try to do something that will be beneficial for our country and for the people. At the end of the day, ang tatanungin ng tao ‘Anong kakainin namin? Puro away na lang ba?' We got to do something."

READY AND RUNNING. Sa pagpasok na ito ni Richard sa pulitika, inihanda na raw niya ang kanyang sarili sa mga intrigang darating sa kanya. Bilang artista, hindi na rin bago para kay Richard ang magkaroon ng isyu. Tutal, isang open book na matatawag ang buhay niya bilang isang public figure.

Ani Richard, "Ganun talaga ang nangyayari kada eleksyon. Nakita din naman natin in the past years, marami din namang mga artista [na may] nagawang maganda. Ang pulitika, ang mahalaga naman diyan, e, ano ba talaga yung itinutulak mo? I think that should come in first."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kanyang pagpapatuloy, "Bawat isang pulitiko, may kanya-kanyang advocacy. Hindi lahat, hinahawakan yung gusto nilang hawakan. Tulad ko, I may focus on some issues but I will not touch others. Pero 'pag kinakailangan na kaming gumawa ng desisyon, we'll make the right decision for the people."

Hindi biro ang pondong kinakailangan ng isang kandidato upang makapasok ito sa pulitika. Aniya, "Hindi ko masasabing isa akong mayaman na kandidato. Ang pondo namin will be very limited and this is the reason why kailangan din namin ang suporta ng tao."

Ipinahayag kamakailan ng militanteng grupo na Kilusang Mayo Uno (KMU) na hindi nito susuportahan ang kandidatura ni Richard subalit susubukan pa rin ng aktor na kumbinsihin ang KMU. Ayon sa kanya, "Napakalapit ng puso ko sa labor sector na 'yan. My great grandfather was the founder of the Labor Day, yung May 1st na sine-celebrate natin. In 1903, it was my great grandfather who started that."

Pangulo noon ng Union Obrera Democratic de Filipinas (UODF) si Dr. Dominador Gomez, ang great grandfather na tinutukoy ng aktor. Unang ipinagdiwang sa Pilipinas ang Labor Day noong May 1, 1903, sa pamamagitan ng demonstrasyon ng 100,000 na manggagawang pinangunahan ng UODF. Matapos ng malawakang rally na ito, kinasuhan ng sedisyon si Dr. Gomez.

ERAP AND SUSAN ROCES. Bago pa man tumakbo si Richard bilang senador, ipinaalam muna niya ang kanyang desisyon sa mga malalapit niyang kaibigan—ang dating Pangulong Joseph Estrada at si Susan Roces, maybahay ng yumaong King of Philippine Movies na si FPJ.

Kwento ni Richard, "I gave him [Joseph Estrada] a courtesy call to let him know. I spoke to him last month and said I have an invitation. Sabi niya, ‘Pag-isipan mo lang.'"

Dagdag pa ng aktor, "I spoke to Ms. Susan Roces a couple of days back. Sinabi ko yung decision ko to join politics. Sabi ko sa kanya, 'I'll be running under the NPC.' I asked for her support and she is very supportive."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama ni Richard sa kanyang sa oath-taking ang asawang si Lucy Torres-Gomez. Naroon din ang kanyang mga kaibigan sa industriya tulad nina Gretchen Barretto, John Estrada, Ogie Alcasid, Annabelle Rama, Antonio Aquitania, Assunta de Rossi, Mike Gayoso, at ang basketbolistang si Mark Telan.

GRETCHEN STEALS THE LIMELIGHT. Tapos na ang oath-taking ni Richard nang dumating si Gretchen sa Edsa Shangri-La Hotel. Panandaliang napunta ang atensiyon sa aktres, na dumating na hindi kasama ang kanyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco, pamangkin ng chairman ng NPC na si Danding Cojuangco.

Ani Gretchen, "Si Goma [Richard's nickname], hindi papasok sa isang bagay na hindi siya sigurado. Si Goma, competitive na tao, aggressive na tao, matalino siyang tao. Kaya niya 'to. I believe in him. Kilala ko pagkatao niya."

Nanawagan din ang aktres na sana'y 'wag maliitin ng publiko ang kakayanan ng mga artista. Aniya, "Yung sinasabi nila yung mga artista, hindi capable. Marami talagang capable and Goma's one of them. Kawawa naman yung marunong."

Magiging aktibo raw si Gretchen sa mga kampanya ni Richard.

SELF-SACRIFICE. Sakaling palaring manalo si Richard, tututukan daw niya ang mga kabataan at ang sports. Pangarap niyang makamtan ng Pilipinas ang kauna-unahan nitong gold medal sa darating na 2008 Beijing Olympics. Upang tulungan ang mga kabataan, nais niyang magkaroon ng higit na maraming eskwelahan.

Gusto rin niyang mapasama sa curriculum ng mga eskwelahan ang pag-aaral tungkol sa A.I.D.S. (Acquired Immuno Deficiency Syndrome). Hindi rin mawawala sa kanyang mga adhikain ang pagsugpo ng ilegal na droga sa bansa. Bahagi noon si Richard ng grupong MAD (Mamamayan Ayaw sa Droga) na nanalo bilang party-list noong May 2001 elections bagamat hindi kinilala ng Supreme Court.

Siyempre, hindi rin daw pababayaan ni Richard ang industriyang naging kanlungan niya. Sa industriya ng pelikula, nais niyang bigyan ng kaukulang pansin ang paghihigpit sa anti-piracy law at pagre-regulate sa mga banyagang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makikita pa rin ng publiko si Richard paminsan-minsan sa telebisyon bagama't magli-leave muna raw siya sa showbiz talk show na S-Files at sa sitcom na Lagot Ka, Isusumbong Kita. Kapag nag-file na siya ng certificate of candidacy upang tumakbo bilang senador sa darating na February 12 (ang deadline for filing of candidacy), hindi muna siya mapapanood sa kanyang mga regular shows.

Bilang pangwakas, sinabi ni Goma na, "Yung pagpasok ko dito sa eleksyong ito, it's a big sacrifice already. Kelangan maintindihan ng tao na yung ginagawa namin, hindi lang yung popular ka. You sacrifice so much. I will have to start working on a Monday and the last day of work would be Sunday."

We want to make it clear that PEP (Philippine Entertainment Portal) does not, in any way, endorse any candidate for the upcoming May elections.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN