Rufa Mae Quinto denies conflict with Alessandra de Rossi


Rufa Mae Quinto (pictured) says she has nothing to do with Alex de Rossi and her ex-boyfriend Jeremy Marquez.



Sa halip na magpaapekto sa mga isyung kinasasangkutan niya ngayon, pinagtutuunan na lang ng pansin ni Rufa Mae Quinto ang kanyang trabaho. Sa dami ng isyung ikinakabit sa pangalan niya, nabansagan na nga siyang "dawit queen." Sa kabila nito, nananatiling positibo ang outlook ng sexy comedienne.

"Hindi naman ako pikon na tao. I believe that the truth will always prevail. Kahit anong sabihin nila, kahit anong gawin nila, they can never put a good woman down," may halong birong sabi ni Rufa Mae sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa concert ni Ara Mina na Loving You nuong February 3.

Aniya pa, "I'm trying my best. I know nagkakamali din naman ako. I believe din naman... Sa tingin ko, mas marami naman akong nagawang mabuti sa sarili ko, sa pamilya ko, sa ibang tao, sa Diyos."

ALEX DE ROSSI. Lumabas sa mga tabloids last week ang balitang nag-isnaban daw sila ng young actress na si Alessandra de Rossi sa taping ng anniversary episode ng All Star K nina Allan K at Jaya last January 31. Ito raw ay may kinalaman sa pagkaka-link ni Rufa Mae sa ex-boyfriend ni Alex na si Jeremy Marquez.

Pinasinungalingan ni Rufa Mae na nagdeadmahan silang dalawa ni Alex.

"Ewan ko ba, wag na lang nila kaming anuhin," sabi ni Rufa Mae. Unang-una, di naman talaga kami magkaibigan. Hindi rin kami magkaaway."

Dagdag pa niya, "Wala kaming conflict. Between us, wala. Bakit naman? Ano namang koneksyon ko sa kanila at sa kanya, di ba? May magawa lang na issue."

ERIK SANTOS. Samantala, hindi pa rin mamatay-matay ang issue tungkol sa pagkukuwestiyon sa pagkalalaki ng kanyang boyfriend na si Erik Santos. Tila naging manhid na sa isyu si Rufa Mae.

"We're not bothered about it because we know the truth," sagot niya. "Okay lang. I mean, mas maraming nagmamahal sa amin kesa sa mga hindi natutuwa sa amin. Alam mo yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinakamahalaga, marami kaming trabaho, marami kaming projects. Wala kaming tinatapakang tao. Yun ang mas dapat naming intindihin, yung mga taong nagmamahal sa amin kesa sa ka-cheapan," aniya pa.



BUSY AS A BEE. Sa kabila ng kaliwa't kanang intriga tungkol sa kanya, patuloy pa rin ang pagiging busy ni Rufa Mae. May dalawang movie projects na siyang naka-lineup this year, isa para sa Viva Films at isa sa OctoArts Films. Sa dalawang pelikula ay kasama niya si Ai-Ai delas Alas.

Ini-launch na rin last Sunday, February 4, sa SOP ang music video ng single niyang "All This Time" na idinirek ni Louie Ignacio. Four seasons ang tema ng kanyang music video, kung saan nakapareha niya ang sexy actor na si Alfred Vargas.

"All this time, may nasasaktan, may nalulungkot kagaya ng maraming tao," paglalarawan ni Rufa Mae sa theme ng kanyang music video.

Ibinalita rin ni Rufa Mae na magkakaroon ng repeat ang concert nila ni Erik na When Erik Met Rufa sa Febraury 16 sa Aliw Theater. Abangan daw ang isang bago at mas mature na Erik sa naturang concert.

Magwa-walong buwan na ang relasyon nina Erik at Rufa Mae sa February 13.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN