Goma, Cesar, and Edu will not win--Pulse Asia survey


If the election for senators will be held now, (from left to right) actors Richard Gomez, Edu Manzano, and Cesar Montano will most likely to lose, says Pulse Asia survey.



Kung ang pagbabasehan ay ang isinagawang survey ng Pulse Asia tungkol sa mga posibleng manalo bilang senador sa darating na May elections, wala ni isa man kina Richard Gomez, Cesar Montano, at Edu Manzano ang makakalusot sa Top 12.

Noong January 25 hanggang January 29 ay nagsagawa ng survey ang Pulse Asia sa 1,200 respondents, 18 taong gulang pataas, tungkol sa "Filipinos' Senatorial Preferences." Isa sa mga tanong sa nasabing survey ay ito: "Kung ang nasabing halalan sa 2007 ay isasagawa ngayon, sinu-sino sa mga sumusunod na personalidad ang inyong iboboto kung sila ay kakandidato sa pagka-senador? Puwede kayong pumili ng hanggang 12 pangalan."

Bukod kay Tito Sotto, tatlo pang artista ang matunog ang mga pangalan na tatakbo bilang senador: sina Richard, Cesar, at Edu. Sa tatlo, si Richard pa lamang ang nagkumpirma ng kanyang kandidatura bilang senador sa ilalim ng unity party ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Sa katunayan, kasabay ng paglabas ng resulta ng survey ng Pulse Asia noong Miyerkules, February 7, ay nanumpa na ang aktor bilang bagong kasapi ng political party na Nationalist People's Coalition (NPC) na pinamumunuan ng business tycoon na si Danding Cojuangco.

TITO SOTTO. Base sa survey ng Pulse Asia, kabilang sa top five ng mga posibleng manalo bilang senador si Tito. Out of 1,200 respondents, 28.8 percent ang nagsabing iboboto nila si Tito. Kung saka-sakali, ito ang ikatlong pagkakataon na mahahalal siya bilang senador.

Si Tito ang one-third sa triumvirate na Tito, Vic & Joey. Nakilala siya bilang komedyante at isa sa main hosts ng popular noontime show na Eat Bulaga!

Unang nanilbihan si Tito bilang vice mayor ng Quezon City noong 1988. Nang tumakbo siyang senador noong 1992 ay siya ang nakakuha ng pinakamaraming boto. Nahalal siyang muli noong 1998 at natapos ang termino niya noong 2004.

SURE 'WINNERS.' Ang nangunguna sa survey ng Pulse Asia ay ang dating senador at vice-presidential candidate na si Loren Legarda, na 46.6 percent ng respondents ang nagsasabing iboboto nila ito. Nasa top five din sina former Senator Ping Lacson (34.6 percent), outgoing Senator Kiko Pangilinan (34. 6 percent), at Congressman Alan Peter Cayetano (31. 7 percent).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Pulse Asia, ang limang nabanggit ay maituturing na sure winners na kung gagawin ang halalan ngayon dahil ang kanilang kasalukuyang statistical rankings ay nasa una hanggang ika-labing-isang puwesto—malinaw na saklaw ng "winning circle of 12."

Ang iba pang mga senatoriables na posibleng manalo sa senate race ay sina Senate President Manny Villar, Senator Ralph Recto, Senator Joker Arroyo, San Juan Mayor Jayvee Ejercito, ang anak ni Senator Nene Pimentel na si Atty. Koko Pimentel, Senator Edgardo Angara, former Senator Gringo Honasan, House Minority Leader Chiz Escudero, at Congressman Noynoy Aquino. Lahat sila ay nasa ika-lima hanggang ika-15 puwesto, ayon sa Pulse Asia survey.

STAR FACTOR. Importanteng banggitin na bagama't hindi mga artista sina Senators Kiko Pangilinan at Ralph Recto, ang mga kabiyak naman nila ay ang dalawa sa pinakasikat na bituin sa mundo ng showbiz. Si Kiko ay asawa ng Megastar na si Sharon Cuneta samantalang si Ralph naman ay asawa ng Star For All Seasons na si Vilma Santos (kasalukuyang Mayor ng Lipa City at inaasahang tatakbo bilang governor ng Batangas).

Sinasabing napakalaking aspeto sa pagkakahalal nina Kiko at Ralph ang popularidad nina Sharon at Vilma. At ngayong tatakbong muli ang dalawa, tiyak na malaki na namang papel ang gagampanan ng kanilang celebrity wives sa kanilang kampanya.

OTHER STARS. Ayon pa rin sa Pulse Asia, maliit naman ang tsansanina Richard, Cesar, at Edu na manalo. Sa 12 available spots para samga senators this year, nasa 18-31 na puwesto sina Cesar at Edu,samantalang si Richard ay nasa 22-37 na puwesto lamang. Out of 1,200respondents, 12.8 percent ang nagsabing iboboto nila si Cesar. Si Eduay nakakuha ng 12.4 percent at si Goma naman ay 9.2 percent.

Kung paniniwalaan ang survey ng Pulse Asia, malaking indikasyon ito sa kahihinatnan ng political careers ng mga artista na nagnanais tumakbong senador.

Ibig kayang sabihin nito ay nagsasawa na ang mga Pinoy sa mga artistang senador, lalo pa't tatlo sa kasalukuyang nanunungkulang senador ay mga artista rin—sina Senators Bong Revilla, Jinggoy Estrada, at Lito Lapid? Iniisip kaya nila na kung saka-sakaling iboto nila si Goma at sina Cesar at Edu—kung tatakbo nga sila—ay mapupuno na ng mga artista ang Senado? O sadya lamang wala kina Richard, Cesar, at Edu ang mga katangiang hinahanap ng taong-bayan sa nais nilang iluklok sa Senado? O pwede ring sabihin na masyado pang maaga para bigyan ng weight o bearing ang resulta ng naturang survey?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POLITICAL DYNASTY. Bukod sa mga artista, interesante ring malaman ang kahihinatnan ng kandidatura ng mga tatakbong senador na may mga kamag-anak sa Senado. Kung mananalo si Jayvee Ejercito, makakasama niya sa Senado ang half-brother niyang si Jinggoy Estrada at ang stepmother niyang si Loi Ejercito. Kung papalarin naman si Alan Peter Cayetano ay makakasama niya ang kapatid na si Pia Cayetano, gayundin si Koko Pimentel na makakasama naman ang amang si Nene Pimentel.

Kung mananalo silang lahat, hindi lang mapupuno ang Senado ng mga artista kundi pati na rin ng mga magkakamag-anak na siyang magbibigay-daan sa tinatawag na political dynasty. Hindi lang pampamilya, pang-showbiz pa ang magiging komposisyon ng Senado kung saka-sakali.

THE VERDICT. Maaga pa kung tutuusin ang karera dahil hindi pa nga nagsisimula ang tunay na kampanya para sa darating na eleksiyon. Hindi pa rin kinukumpirma nina Cesar at Edu kung susunod nga sila kay Richard na nagdesisyon nang tumakbo bilang senador.

Ngunit malinaw na nasa kamay ng mga botanteng Pilipino ang kapalaran ng mga naghahangad na maluklok sa puwesto, artista man o hindi. At nasa diskarte naman ng mga kandidato kung paano nila makukumbinsi ang mga tao na iboto sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN