Rica Peralejo wants to focus on her "relationship with God"


"Lahat ng kasalanan ko nabayaran na ng Diyos. I don'tget hurt because alam kong di naman lahat maa-accept at maiintindihanako," says Rica Peralejo about her detractors.



Now a renewed Christian, marami nang pagbabago ang nakikita kay Rica Peralejo nagmula nang sumali siya sa Victory Christian Fellowship.

Bukambibig na raw kasi ni Rica ngayon ang mga salita ng Diyos na minamasama naman ng iba. Nagiging preachy na raw ang aktres samantalang sa ilang production numbers niya sa musical variety show ng ABS-CBN na ASAP '07 ay daring at sexy naman ang kanyang isinasayaw at isinusuot na costumes.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rica, ibinigay niya ang kanyang panig tungkol sa pananaw na ito ng iba sa kanya.

Ani Rica, "Anong sinayaw at isinuot ko? If they can recall, ever since I've been with the Lord, mayroon na ba akong ginawa? Basta ako, I don't need to explain myself, I don't need to defend my God. What I say is good and where there is darkness, light is not welcome.

"Maganda at mabuti ang ginagawa ko. Baka sila ang kailangang mag-check sa sarili nila o baka natatakot sila ‘pag dumarating ako. Lahat ng kasalanan ko nabayaran na ng Diyos. 'Di ko alam sa kanila kung ano na ang mangyayari sa kanila. Actually, expected ko na ‘yan. I don't get hurt because alam kong 'di naman lahat maa-accept at maiintindihan ako," sabi pa niya.

Naging hayagan ang pagtanggi ni Rica sa napapabalitang panliligaw sa kanya ng aktor na si Piolo Pascual, nakasama niya sa teleseryeng Sa Piling Mo. Sa patuloy na pagkakaibigan ng dalawa, kampante si Rica na irerespeto ni Piolo ang naging desisyon niya na huwag munang pumasok sa anumang pakikipagrelasyon.



"Baby pa kasi ang faith ko," sabi ni Rica. "Ang gusto ni Lord ay maging maganda muna ang relationship naming dalawa, yung kami munang dalawa. Ako, I'm just following my Lord and I'm so thankful because Piolo understands me and knows my needs."

Dagdag pa niya, "Ang ikinaganda sa Victory, we're not closing any doors. Nag-usap na nga lang kami ni Piolo that it would be better if we will enjoy the friendship first. If the Lord will permit na maging kami, He'll direct the way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiningan din ng PEP ng reaksiyon si Rica tungkol sa paghihiwalay ng ex-boyfriend niyang si Bernard Palanca at ang asawa nitong si Bernard Palanca. Ngunit pinili ni Rica na huwag nang magbigay ng anumang komento dahil baka raw masamain pa ng iba kung anuman ang sabihin niya.

"I don't really feel anything," sabi niya. "I don't want to comment because I'm not supposed to be in that tsismis. I wanna respect that and let's give them what they deserve, which is their privacy. Sana wala nang makikisawsaw. I think Meryl was very honest enough to admit this."

Aside from ASAP '07, magiging abala rin si Rica sa sisimulang mini-series ng ABS-CBN na Palimos ng Pag-ibig, ang remake ng 1985 movie na pinagbidahan nina Vilma Santos, Edu Manzano, at Dina Bonnevie. Ang role na unang ginampanan ng Star For All Seasons na si Vilma ang gagampanan ni Rica sa nasabing serye at makakasama niya rito sina Diether Ocampo at Kristine Hermosa.



"I'm very excited, ngayon nga lang hilong-hilo na ako sa pagpi-prepare but I'm very, very happy. Nakakatakot! There is some pressure to it but you know I trust that as long as I do my best naman, it would help. I just really have to do my best and that's it," pagtatapos na ni Rica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN