Jericho and Heart exchange love confessions


"Mahal kita dahil kahit nakapikit ka ay kilala mo kung sino ako. Kahit nakapikit ka alam mong malapit ako sa 'yo. Kahit malayo ako, alam mong malapit ako sa puso mo," professes Jericho Rosales to girlfriend Heart Evangelista.



Sa taping ng Homeboy last Tuesday ay nag-guest ang magkasintahan na sina Jericho Rosales at Heart Evangelista. Bale birthday celebration na rin ‘yon ni Heart, who will turn 22 this Valentine's day, February 14.

In connection to the Valentine's day, hiningan din ng Homeboy sina Jericho at Heart ng personal confessions nila para sa isa't isa. Magbibigay ng opening phrase si Boy at ang magkasintahan na ang magpapatuloy.

Bumibilis ang tibok ng heart ko...

HEART: "Bumibilis ang tibok ng heart ko hanggang ngayon kapag bumababa ng kotse si Jericho na naka-shades siya, pagkatapos naglalakad papuntang kotse ko."

JERICHO: "Bumibilis ang tibok ng heart ko kapag lumalapit siya sa akin at binibigyan niya ako ng hug, pero hindi ko alam kung ano ang kasunod. Baka biglang may kiss!" (laughs)

Kung mai-in love ako ulit...

HEART: "One big lesson when I broke my heart ay not to pressure, huwag masyadong maging immature. Mag-isip nang tama bago ka magsalita para wala kang masasaktan o para wala kang masyadong ma-suspect sa tao."

JERICHO: "Sabi ko sa sarili ko, kung mai-in love ako ulit ay kailangan higitan ko yung nakaraan."

Kapag binuksan mo ang aking puso...

HEART: "Madami akong gustong gawin at madami akong gustong mahalin— may street children o animal. Gusto kong tuparin lahat 'yon. I guess kapag binuksan mo ang puso ko, makikita mo siya, si Jericho, and everybody else that loves me today."

JERICHO: "Makikita mo ang mga bagay at pangarap na para sa 'yo [Heart] na hindi ko pwedeng sabihin para sa 'yo ngayon."



Last time umiyak ang puso ko...

HEART: "I guess when it comes to my personal life, Christmas, yeah, umiyak ako noong Christmas."

JERICHO: "Last time umiyak ang puso ko, nandoon si Heart. Pinasaya niya muli ang puso ko."



Naging pula ang aking puso...

HEART: "It's always red. My heart is always red. Maybe painful or happy, it's always red."

JERICHO: "Naging pula ang aking puso magmula noong nakilala kita dahil hindi lamang tuwing Valentine pupumula ito kundi araw-araw dahil ang pangalan mo ay love."

(Sa puntong ito ay na-touch si Heart kaya agad itong nagbitiw ng masarap na "Thank you" sa boyfriend.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Mahal kita dahil...

JERICHO: "Mahal kita dahil kahit nakapikit ka ay kilala mo kung sino ako. Kahit nakapikit ka alam mong malapit ako sa 'yo. Kahit malayo ako, alam mong malapit ako sa puso mo. Dahil halos magkapareho tayo ng mga tinatanaw at pareho tayo ng niyayakap."

HEART: "Mahal kita dahil sobrang pareho tayo ng ugali. Ipinaglaban mo ako kahit hindi mo kailangang ipaglaban. Kahit sinabi kong huwag na, pero ginawa mo pa rin. Saka inaalagaan mo ako kahit sa araw-araw nating pagsasama. Pati vitamins ko, kahit sa pag-shampoo ng buhok ko, kung masyadong matapang ang pabango ko dahil mai-irritate ang ilong ko or something, lahat 'yan inaasikaso niya. Lahat ng gamot ko araw-araw, nire-remind [mo] ako araw-araw. And also, dahil he makes me feel secure and I can go on and on."



And this was ended by the actor by saying "I love you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN