Irish Fullerton denies dating Luis Manzano


"Hindi siya nanliligaw sa akin. But I find Luis very funny and he reminds me of my friend back in the States. Luis is a natural comic and I like men who have a great sense of humor," says Pinoy Dream Academy finalist Irish Fullerton about Luis Manzano.



Malaki na raw ang nabawas sa timbang ng Pinoy Dream Academy (PDA) finalist na si Irish Fullerton magmula nang naging busy siya sa kanyang singing career. Aminado si Irish na tumaba siya nang husto noong nasa loob pa siya ng PDA house, pero ngayon ay ginagawa na raw niya ang dapat para pumayat siya.



Ayon kay Irish, "My aim is 117 pounds. Right now, mga seven pounds na ang nawawala sa akin which is great. I work out a lot and I have this diet to follow. It was pretty hard for me at first but I really need to do it kasi para rin ito for myself."



Nali-link ngayon si Irish kay Luis Manzano, na kasama niya sa ABS-CBN Sunday musical variety show na ASAP ‘07. May kumakalat na balita na nakita raw silang magkasama sa isang bar sa Cebu City nang minsang nagkaroon ng show roon ang PDA finalists.

Ayon pa sa balita, ang Fil-Am singer na raw ang bagong tina-target ni Luis na mahilig sa mga babaeng may foreign blood. Matatandaang naging girlfriend ni Luis si Nancy Castiglione na may dugong Italian.



"It's so funny because nagkita lang kami doon ni Luis," natatawang sabi ni Irish. "We were there for a show and when we saw Luis, he was there daw for something. I don't know kung ano because I didn't ask him. It's true that we were together in this club there. But we weren't really together because I was with the people I came with there."



Dagdag pa niya, "I can't really say that Luis is a close friend because I just met him informally before. Siguro acquaintance lang ang pwedeng masabi ko. Hindi siya nanliligaw sa akin. But I find Luis very funny and he reminds me of my friend back in the States. Luis is a natural comic and I like men who have a great sense of humor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi kami makapaniwala na sa ganda ni Irish ay walang nanliligaw sa kanya. Nagtataka nga rin daw siya kung bakit. Ayon sa kanya, baka dahil siguro nai-intimidate sa kanya ang mga guys.



"Yun ang mga sinasabi nila but I'm a nice girl and I'm easy to talk with," sabi ni Irish. "Huwag silang matakot sa akin. But okay lang because ayoko rin naman kasing magka-boyfriend pa. I want to focus on my career. My last relationship was two years ago and it wasn't a good one. Kaya I'm careful now para hindi ako masaktan ulit."



Sisimulan na ni Irish ang kanyang debut album sa ilalim ng Warner Records Philippines.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN