Rhian Ramos shines in her debut film


Young actress Rhian Ramos gets favorable reviews for her performance in her debut film.



Sobrang kinakabahan ang young actress na si Rhian Denise Ramos dahil ilang araw na lang ay ipalalabas na ang first movie niya na The Promise ng GMA Films at Regal Entertainment, kung saan bida sina Richard Gutierrez at Angel Locsin.



Ginampanan ni Rhian sa The Promise ang papel ni Monique, ang anak-mayaman na may gusto kay Daniel (Richard). Sa Hihintayin Kita Sa Langit (1991)—the first Filipino film adaptation ng classic novel na Wuthering Heights na pinagbasehan din ng The Promise—ay ang aktres na si Jackie Lou Blanco ang unang gumanap sa papel ni Rhian, but with a different name.

Richard Gomez and Dawn Zulueta originally played the characters of Richard and Angel, while TJ Trinidad's character was played by Eric Quizon. Hihintayin Kita Sa Langit was directed by Carlitos Siguion-Reyna and was produced by Armida Siguion-Reyna's Reyna Films.

Nagkataong magkasama sa dating fantaserye na Captain Barbell sina Rhian at Jackie Lou kaya humingi raw ng konting insights ang young actress tungkol sa kanyang role kay Jackie Lou bago nagsimula ang shoot ng The Promise.

Ito ang sinabi ni Rhian sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) before the VIP screening ng The Promise kagabi, February 9, sa The Podium.



Kuwento ni Rhian, "When I found out that Tita Jackie was the one who played my role before, I had to interview her and get a few advices on how to attack the role. It's a good thing na magkasama kami sa Captain Barbell kaya she really shared a few things with me."



Dagdag pa niya, "With what she said and a one-day acting workshop, I was able to develop the character I was given, pero sa sarili ko nang interpretation. It was an overwhelming experience and I had to also thank Direk Mike Tuviera for supporting me through all this."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon pa kay Rhian, pakiramdam niya ay destiny niya raw talagang gampanan ang naging role ni Jackie Lou sa Hihintayin Kita Sa Langit.



"It all connected talaga," sabi niya. "First, magkasama kami sa Captain Barbell. Pangalawa, I portrayed the role she originally played here in The Promise. And pangatlo, she will play na my mother in my next movie Ouija Board. Kaya me and Tita Jackie, in some strange way, destined kaming to work together talaga." (Ang Ouija Board ay ang pelikulang pagbibidahan nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal para sa GMA Films.)



Nilinaw rin ni Rhian ang lumabas na balita na ang The Promise ang ipinagpalit niya sa dapat sana'y unang movie niya na Super Noypi, kung saan ang pumalit sa kanyang role ay si Sandara Park.



"What happened kasi with Super Noypi is nagkaroon ng conflict with my schedules. Kasi I was still taping for Captain Barbell that time. I had to drop out of the cast kasi nga nahirapan silang ayusin talaga, because I was practically taping every day. Itong The Promise came later na kaya hindi ito ang naging reason," paliwanag niya.

Wish ni Rhian na sana ay magustuhan ng mga manonood ang kanyang performance sa The Promise. At base sa reaksiyon pagkatapos ng VIP screening ng nasabing pelikula kagabi, marami ang nakapansin sa husay sa pag-arte ni Rhian. Sinasabing Rhian has the making of being the next most important star.

Susunod na mapapanood si Rhian sa action-adventure series ng GMA-7 na Lupin, kung saan makakasama na naman niya si Richard Gutierrez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN