Chad Peralta goes sexy!


Pinoy Dream Academy finalist Chad Peralta is now busy preparing for his debut album and a concert tour with his co-PDA scholars.



Hindi lang ang kanyang debut album ang pinaghahandaan ni Chad Peralta kundi pati na rin ang kanyang sexy pictorial.

One of the top six scholars of the first Pinoy Dream Academy (PDA), the Australian-based singer is busy with so many things other thanhello!h his singing career.

Tuloy-tuloy ang concert series niya with his co-PDA finalists around the country including one for Pampanga, kung saan may homecoming concert ang isa sa kanila na si Ronnie Liang, and another one sa Cebu na homecoming concerts naman ng mga Cebuanong sina Jay-R Siaboc and Panky Trinidad. Kung hindi man natuloy ang kanilang Valentine concert sa Aliw Theater sa February 14, nakatakda na rin silang umalis patungong Japan next month and then sa United States around July.

Naghahanda na rin si Chad for his debut album which will be under a new recording label still under New Gen Records, the Dream Records of Fremantle's and ABS-CBN's Dream Big Production. Nasa proseso na sila song selection and voice lessons.

Chad is also back in the gym para i-kundisyon ang kanyang katawan.

He joins StarStruck avenger Dion Ignacio, GMA Artist Center talent CJ Ramos, and TV Idol JE Sison for the upcoming issue of X Ray, a glossy magazine. Pumayag ang Dream Big na magpa-sexy si Chad para maiba ang kanyang image kumpara sa five PDA co-scholars.

Wala naman daw problema kay Chad to show some skin, toning lang muna ang kailangan niya especially sa kanyang legs. Mas preferred pa nga ni Chad ang pictorial kaysa sexy movie. Hindi pa sinasabi sa kanya ang concept ng pictorial niya, but definitely it will not be too daring. Baka hanggang briefs lang to maintain his image pa rin.

In the past issues of X Ray, wholesome stars like the two StarStruck Male Survivors Mark Herras and Mike Tan have graced the covers pero hanggang topless and brief lines lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN