Richard Gutierrez surprises Angel Locsin with a pair of earrings


Angel Locsin was speechless when leading man Richard Gutierrez surprised her with a 2-carat diamond-studded earrings.


May ipinangako si Richard Gutierrez kay Angel Locsin at tinupad niya ang kanyang promise.

Richard's wholesomeness translates even to his physical appearance. Kahit matagal nang "in" ang pagbutas ng tainga sa lalaki, never siyang nakisabay sa uso.

During the shooting ng Valentine movie nila ni Angel—ang The Promise from Regal Entertainment and GMA Films—kailangang magkaroon ng physical transformation ang character ni Richard from a poor hardinero to a rich businessman. Other than the change of dress and haircut, nag-isip ang dalawa kung ano pa ba ang pwedeng magawa kay Richard and Angel suggested na maglagay ng hikaw.

Dahil wala pa ngang butas ang tainga ni Richard, Angel gave her one of her solitaire diamond stud earring para ipambutas sa tainga nito na siya ngang ginawa ng production staff. It was one of Angel's precious accessories, the stone being a real 2-carat multi-cut diamond.

Hindi maisoli ni Richard ang earring dahil bago pa lang ang butas ng kanyang kaliwang ear so he promised Angel na papalitan na lang niya ito.

Nang natapos ang shooting, Richard asked his mother Annabelle Rama to find a pair of earrings that will match the earring he is wearing. Nakakuha naman ang ina ni Richard at binili ito ng binata.

Sa press con ng The Promise sa Master Wok last Friday, February 9, bago magsimula ang screening sa dalawang sinehan ng Podium, Richard announced that he is about to fulfill a promise he made to his co-star.

Walang alam si Angel at that time.

Inilabas ni Richard from his pants pocket ang isang unmarked black jewelry box. Ipinahanap niya pa raw talaga ang katulad na katulad na earring na hiniram niya kay Angel. Imbes na isoli niya ang original, bumili na nga lang si Richard ng kapalit at ibinigay ito kay Angel.

Speechless si Angel as she accepts Richard's promise. Pwede niya naman daw talagang ibigay na lang ang earring kay Richard as her birthday gift to her partner na nagdiwang ng kaarawan last January 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isinuot ni Angel ang earring replacing what she was wearing that night so matching earrings ang dalawa when they watched their movie together.

Nag-promise din si Angel na ibibigay na rin niya kay Richard ang kapares na earring na nasa kanya pa.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) later si Angel, inamin ng young actress na ito na ang pinaka-bonggang Valentine gift na natanggap niya sa buong buhay niya.



"Hindi ko talaga alam ang magiging reaction ko. Sobrang na-touch talaga ako sa effort na ginawa niya. Thank you talaga sa kanya, ang sweet naman niya," papuri ni Angel kay Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN