Eula Valdes's husband goes back to Australia


Actress Eula Valdes clears the issue that she and husband Richard Litonjua are separated.


Taliwas sa unang napabalita na for good nang maninirahan dito sa Pilipinas ang mister ni Eula Valdes na si Richard Litonjua, napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na muling bumalik sa Australia ang electrical engineer na asawa ng aktres.

May mga naglabasang balita kasi dati na uuwi na sa Pilipinas si Richard para rito na magtrabaho. Karugtong ito ng intrigang nagkaroon ng relasyon si Eula at ang model-actor na si Lauren Novero, na nakasama niya sa musical play na ZsaZsa Zaturnnah. Ito rin ang pinag-ugatan diumano ng balitang hiwalay na sina Eula at Richard.

Pero napatunayan naman na going very strong pa rin ang pagsasama nina Eula at Richard. In fact, last December, umuwi dito sa bansa si Richard to spend Christmas and New Year holidays.

Pero ang inakala ng marami na pamamalagi na sa Pilipinas ni Richard upang makasama si Eula at ang kanilang anak ay hindi nangyari. Muli itong lumipad patungong Australia para bumalik sa kanyang trabaho.

Sa pamamagitan ng text messages, ibinalita ni Eula sa amin na nagpaka-praktikal lang sila.

"Dapat kasi, ganun... Kaso, anong work niya dito? Kung may high paying job siya dito, papag-stay-in ko siya dito," paliwanag ni Eula tungkol sa pagbalik ni Richard sa Australia.

Ayon pa kay Eula, sana raw ay huwag nang guluhin ang pagsasama nila ni Richard dahil masaya sila. Sa katunayan, babalik daw si Richard dito sa Pilipinas sa March para sa graduation ni Miguel, ang panganay na anak ni Eula sa dati niyang live-in partner na si Ronnie Quizon.

Obviously, malaki ang kinikita ni Richard sa Australia kaya tinitiis nito na mamalagi roon kahit madalas ay malayo siya sa kanyang asawang si Eula at anak na si Juliana.

Kasama si Eula sa bagong soap opera ng ABS-CBN na Maria Flordeluna, na magsisimula ngayong gabi, February 12. Kasama niya rito sina Albert Martinez, John Estrada, at ang child actress na si Eliza Pineda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN