Gladys Guevarra reconciles with her estranged father


Singer-comedienne Gladys Guevarra finally settles differences with her estranged father after years of not speaking to each other.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Gladys Guevarra na si Jun Nardo. Masayang ibinalita ni Jun may bagong kaganapan sa buhay ng singer-comedienne.

"Nagkabati na sila ng tatay niya!" sabi ni Jun nang naka-tsikahan namin sa Music Match Family KTV sa Tomas Morato.

Matagal na palang hiwalay ang mga magulang ni Gladys. Iyon ang naging dahilan kung kaya't ilang taon na ring hindi kinakausap ni Gladys ang ama niya. Nasa poder ng ina niya si Gladys.

Kamakailan, kinausap ng ama ng komedyana ang ina ni Gladys at sinabing gusto na nitong makasundo muli ang kanyang anak. Sa kabila ng mapait na nakaraan nila at sa pakiusap na rin ng ina niya, pumayag si Gladys na makipagkasundo sa kanyang estranged father.

"Para naman maiba ang mga balita tungkol kay Gladys," natatawang sabi ni Jun. "Tigilan na ‘yang Janno Gibbs issue, hindi naman totoo ‘yan! This time, maganda na positive naman ang maging isyu kay Gladys."

Hindi pa rin kasi matapus-tapos ang isyu tungkol sa pagre-resign ni Gladys sa Eat Bulaga! Ang paniwala ng marami ay si Janno ang totoong rason ng pag-alis ni Gladys sa noontime show at hindi ang sinasabi nitong health reason.

Para makabawi sa mga panahong hindi sila nagkasama, naisip ni Gladys na ibiyahe ang kanyang buong pamilya sa Hong Kong. Isa raw itong paraan para kahit papaano ay muli silang makapag-bonding.

Kaya ngayon, bukod sa magandang career ni Gladys—humahataw sa ratings ang pinagbibidahan niyang Magic Kamison sa GMA-7—maayos na rin ang personal na buhay ng komedyana. Kahit hindi nagkabalikan ang parents niya, naging okay naman muli ang relasyon nilang mag-ama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN