Richard Gomez momentarily leaves showbiz


Actor Richard Gomez will file his candidacy for senator today, February 12.


It was a tearful S-Files farewell for actor-TV host Richard Gomez kaninang hapon, February 11, as he temporarily leaves showbiz for politics.

Bukas, February 12, ay magpa-file ng candidacy si Goma for a Senate position. He will run as independent. This has been going around the grapevine for some months now and one rumor noong una was that Goma was running for either mayor or governor daw of Bulacan. Open naman si Goma sa pag-aming papasok nga siya sa politika, but lately niya lang sinabing for senate ang tatakbuhan niya.

For this, magbabakasyon muna si Goma mula sa showbiz starting with his resignation sa kanilang Sunday showbiz talk show sa GMA-7, ang S-Files. Three Sundays ago, middle of January, isang blurb sa S-Files ang announcement na may magpapaalam daw sa show ngunit hindi ito sinundan on that telecast. Supposedly, gimik lang daw ito noon for a promo.

Goma is also momentarily leaving his other show on GMA-7, the sitcom Lagot Ka, Isusumbong Kita. Depende sa magiging resulta ng pagtakbo niya sa Senado kung babalik pa siya sa mga shows niya o hindi.

Si Goma na marahil ang isa sa mga showbiz actors na may pinakamakulay na istorya. Binanggit niya sa kanyang farewell speech sa S-Files na nagsimula siyang service crew sa McDonalds bago siya pumasok sa showbiz.

Bukod sa pagiging actor, accomplished sportsman din si Goma. Kung ilang beses na rin niyang ni-represent ang bansa sa mga SEA (Southeast Asian) games for sport categories like fencing and rowing.

Inamin ni Goma na wala pa siyang alam sa politika, but he can offer his youth and years of hard work and experience with a clean conscience.

Goma is the second GMA-7 talent na nag-resign sa kanilang mga Kapuso shows after Tito Sotto did his farewell appearance on Saturday, the day before Goma's final episode, sa Eat Bulaga! Tito is also running for senator.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN