Lolit Solis to Angeli Pangilinan: "Huwag kang masyadong sensitive."


Nang tanungin si Lolit kung kanino siya kampi sa isyung Angeli Pangilinan-Valenciano at Gretchen Barretto, tahasan niyang sinabi: "Gretchen." Nang tanungin uli kung bakit, "Kasi mas mayaman si Gretchen."


Nilinaw ng talent manager-TV host na si Lolit Solis na hindi siya angdahilan ng pagre-resign ni Angeli Pangilinan-Valenciano sa ProfessionalArtists Managers, Inc. (PAMI).

Noong nakaraang Lunes, February 5, nakatakdang magkita diumano sinaLolit at Angeli upang pag-usapan ang tunay na dahilan ng pag-alis ng huli saPAMI subalit hindi sumipot ang misis ni Gary Valenciano.

Gayunman, ayon kay Lolit, may tumawag daw sa kanya na staff daw ni Angeli sa Genesis Manila Entertainment, Inc. "Gusto daw makipag-usap ni Angeli sa akin para sabihin na hindi akotalaga ang dahilan kung bakit siya nag-resign sa PAMI," kwento ni Lolit sa liveinterview sa kanya ng Startalk noong Pebrero 10.

Nang tanungin kung may ideya siya sa totoong pag-alis niAngeli sa PAMI, sinabi ni Lolit na, "Naku, marami naman siyang dahilan e. Alam mo naman siya mapaggawa siya ng ano saisip niya."

Dagdag pa ng manager-host, "Siguro iniilusyon niya nahahabul-habulin siya ng PAMI dahil importante siyang ano 'tapos noong hindi siya hinabol, nasaktan yung ego niya."

Samantala, hindi naman itinanggi ni Lolit na nabanggit niyaang pangalan ng asawa ni Gary Valenciano bilang "plastic person" nang minsang mag-guest siya sa radio program ni DJ Mo Twister.

Nilinaw ni Lolit Solis, "Noong nagsalita ako kay DJ Mo, I'mLolit Solis, yung celebrity. Hindi yung Lolit Solis na member ng PAMI na supposedly kami ni Angeli magkaibigan."

Paliwanag pa ng host ng Startalk, "Kasi kahit siAngeli naman alam niya. Kapag kaharapka ni Angeli ang bait-bait niya, 'no? Parang pray siya nang pray pero kapag nakatalikod ka, kung anu-ano angsinasabi."

Inilahad din ni Lolit na ninais niyang humingi ng paumanhinkay Angeli para huwag na raw ito sanang mag-resign ngunit pinigilan siya ng mga kasamahan niya saPAMI.

Ayon sa kanya, "Sabi naman nila,‘Naku, huwag ka nang mag-apologize wa [swardspeak for hindi] naman namintype si Angeli.' E di ako naman, hindi nag-apologize."

Sa kabila nito, handa naman daw si Lolit namag-apologize kung hihilingin ni Angeli. Subalit mayroon lamang paalala si Lolit sa kapwa niya manager ng mgaartista: "Huwag kang masyadong sensitive, 'no! Nasa showbiz ka, bakit ka masyadong sensitive?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN